Nagsimula noong Linggo, May 13, ang fifth anniversary celebration ng Showbiz Central, via the special birthday celebration ni Jennylyn Mercado, ang bagong co-host nina John “Sweet” Lapus, Pia Guanio at Raymond Gutierrez. Tinutukan ang programa dahil first appearance sa show ni Luis Manzano, ang Kapamilya star na boyfriend ni Jen.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si John after ng telecast ng Showbiz Central last Sunday at heto ang kanyang reaction sa pagdiriwang ng showbiz talk ng ikalimang anibersayo.

“We are so happy that we have gone this far. Hindi naman basta-bastang programa ang binangga namin, di ba? We are up against The Buzz. Ang feeling ko, after five years, vindicated na kami. Nabago ng Showbiz Central ang TV viewing habits ng audience every Sunday afternoon as evidenced by the ratings. We are very thankful to God and all the televiewers who watch Showbiz Central regularly,” pahayag ni Sweet.

Ano naman ang pakiramdam niya na bahagi na si Jennylyn bilang bagong co-host ng Sunday showbiz talk show ng Kapuso network?

“Isa ako sa mga nag-suggest sa staff na kunin namin si Jen para maging regular co-host kasi magaling siya. Naging guest co-host  na namin siya before and she did very well. Sinabi ko sa staff na dapat kunin na namin siya para maging regular part ng show. I was very vocal of my desire na makasama namin si Jen sa show,” wika ni Sweet.

“I even told Luis [Manzano] na he was such a good influence kay Jen. Aside from being very pretty, she’s also very articulate. At maganda siya magbihis. Feeling ko, inaabangan talaga ng mga fans ng Showbiz Central kung ano ang isusuot niya every Sunday. Blooming na blooming ang beauty niya.”

Masaya raw silang lahat na bahagi na si Jen ng Showbiz Central.

Ano naman ang puwedeng abangan ng mga regular viewers ng Showbiz Central sa pagpasok nito on its sixth year?

“Siyempre nariyan pa rin ang Don’t Lie to Me Segment, which I host although wala last Sunday to give way para sa birthday celebration ni Jen. Then there is the new segment Story of Your Life [being hosted by Raymond Gutierrez]. Maraming celebrities na gustong ma-feature doon kasi binabalikan ang story ng buhay nila.

“Mayroon din kaming bagong segment titled Most Influential kung pini-feature namin ang mga influential showbiz people na hindi celebrities. So far we have featured Mother Lily Monteverde of Regal Entertainment, Ms. Malou Choa Fagar [who is a talent manager as well as one of the executives of TAPE, Inc. that produces Eat Bulaga] and Direk Maryo J. delos Reyes, na isa rin matagumpay na talent manager,” kuwento pa ni Sweet.

Tinanong namin si Sweet kung may say ba siya kung sinong celebrities ang ipi-feature sa Don’t Lie to Me.

“Wala. I am confident with the segment na we could put anyone in it and the segment would still rate. Minsan nga pag tinatanong ng staff kung may gusto akong i-feature na artista sa Don’t Lie to Me, sinasabi ko, sila-sila na lang ang lumabas sa show.

“Confident kasi ako na kahit na sino ang i-guest namin, the live rating would prove na much-awaited at talagang inaabangan nila ang segment, modesty aside. Ipaglalaban ko ang segment na ito. Aside from having a good concept, na may tatak na Showbiz Central, inaabangan din ng mga tao kung mahihilo ba ako o maaksidente sa mga buwis buhay kong ginagawa sa segment.

“Parang kung mahililo ako o kung may mangyayari sa akin na kakaiba, mas enjoy sila sa panonood. Inaabangan nila kung maaksidente ako sa mga buwis-buhay ko. The more ako nahihilo o nalalaglag, mas enjoy sila so ibigay natin ang gusto nila.”