guide

Shalani Soledad-Romulo dubbed as “Ms. Energy” in TV5’s Sunday noontime show Game N Go

by Joyce Jimenez posted on May 24, 2012  STATS: 8027 Views | 1 Comments

Shalani Soledad-Romulo (rightmost) will host TV5's Game N Go, together with Joey de Leon (not in photo). Starting June 17, this noontime show will also be hosted by (L-R) Edu Manzano, Arnel Ignacio, and Gelli de Belen. 

Photo By: Noel Orsal

Muling mapapanood sa telebisyon ang dating host ng Wil Time Big Time na si Shalani Soledad-Romulo.

Isa si Shalani sa mga “Game Keepers” sa pinakabagong game show ng TV5 na Game N Go, kasama sina Gelli de Belen at Arnel Ignacio, habang ang mga “Game Makers” ay sina Joey de Leon at Edu Manzano.

Dumalo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa press launch ng Game N Go na ginanap kanina, Mayo 24, sa TV5 Delta Studio sa West Triangle Ave., Quezon City.

Natagalan ang pag-ere ng naturang show dahil sa ilang mga pagbabagong kinailangan nilang gawin at isa na dito ang gawin itong Sunday variety show.

Ang orihinal kasing plano ay ipalabas during weekdays ngunit dahil na din daw sa payo ni Joey ay binago nila ito.

Hindi naman isyu para kay Shalani kahit pa ginawang once a week ang kanilang show.

Ani Shalani, “Daily or once a week it’s still an honor for us in doing this show kasi masaya siya, and sana maramdaman din ‘yon ng ating mga viewers, sana makita din nila kung gaano ito pinaghirapan.

“I think alam ninyo naman po kung nakailang revisions pagdating sa mga games, nakailang revisions pagdating sa mga gagamitin na materials, nakailanga revisions din ito pagdating sa set, nakailang revisions even sa mga host.

“So, sana makita naman nila at ma-appreciate kung gaano ito pinag-hirapan ng TV5.”

NEW EXPERIENCE. Ang bagong show na ito na iho-host ni Shalani ay pinagsama-samang variety show, game show, at comedy sketch show.

Kaya naman, talagang masaya at suportado siya ng kanyang asawa na si Pasig City Representative Roman Romulo, lalo nang malaman niya na makakasama niya dito si Joey.

Ayon sa kapatid ni Roman na si Erwin, si Joey de Leon ay pinsan ng kanilang ama na si Alberto Romulo.

Hindi na bago si Shalani sa pagho-host ng ganitong show, dahil nga una siyang lumabas bilang co-host ni Willie Revillame sa daily primetime variety show na Wil Time Big Time.

Gayunman, hindi naman daw basta variety show lang ang Game N Go.

Paliwanag niya, “Game N Go will have more games. So, it’ll be game, after game, after game.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

1 Comment

  • UNPREDICTABLE_GUY

    06/01/2012 | 01:23 AM
    Miss Energy???? Wala nga siyang kabuhay-buhay kong magddeliver na linya e..Bimnabasa na nga lamang niya ay hindi pa niya mabigyan ng buhay. Hindi ko alam ong paano cya naging politiko. Kong ako ay taga Valenzuela tiyak na makakatulog ako sa pakikinig. Ilang beses kong naponood cya sa internet noong nasa Wil Time Big Time pa cya, hindi ko alkam kong kong paano cya nasama sa programang may pagkakataon na kailangangv magadlib ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About