guide

Krystal Reyes portrays a mentally challenged girl in GMA-7’s afternoon drama series Hindi Ka Na Mag-Iisa

by Joyce Jimenez posted on June 28, 2012  STATS: 6870 Views | 5 Comments

Krystal Reyes (in photo) will be Jennylyn Mercado’s younger sister who is mentally-challenged in Hindi Ka Na Mag-Iisa. GMA-7’s upcoming drama series also stars Sid Lucero and Frank Magalona, who will be Jennylyn’s leading men.

Photo By: Noel Orsal

Isang challenging role ang gagawin ni Krystal Reyes sa upcoming afternoon drama series ng GMA-7 na Hindi Ka Na Mag-Iisa.

Gaganap siya bilang si Angelica, ang mentally challenged na kapatid ni Elisa na gagampanan ni Jennylyn Mercado.

Inilarawan sa amin ni Krystal ang kanyang karakter nang makapanayam namin siya kagabi, Hunyo 27, sa presscon ng Hindi Ka Na Mag-Iisa sa 17th floor ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City.

“Mentally challenged, mababa ‘yong IQ niya.

“Kung titignan mo siya, para siyang normal, pero kapag nakita mo na siyang kumilos, magsalita, doon mo malalaman na may problema.

“Ano po, siya naman po wala naman po siyang parang mannerism, wala po siyang gano’n. ‘Yong pananalita na lang po, medyo parang putul-putol, parang baby talk, parang gano’n po.”

Matinding paghahanda raw ang ginawa ni Krystal, bukod pa sa workshops niya kasama si Jennylyn.

Kuwento niya, “Nagpunta po kami sa school ng mga special children.

“‘Tapos may nakausap din po kaming doctor kung ano ba ang ginagawa ng isang mentally challenged, kung paano siya magsalita, kung paano feelings niya, mga ganyan po.”

WORKING WITH JENNYLYN. Nabanggit ni Jennylyn na malaki ang potensyal na nakikita niya kay Krystal pagdating sa pag-arte.

Si Krystal naman, hangang-hanga sa pagiging mabait ni Jennylyn kahit pa mas bihasa na itong umarte kaysa sa kanya.

“A, siyempre po masaya.

“‘Tas ang bait-bait po ni Ate Jen, tatlong beses ko pa lang po siya nakakasama, sa workshop po at saka sa two taping days namin.

“‘Yon po, mabait naman po si Ate Jen, hindi ka po mahihiyang lumapit sa kanya, hindi niya po ipinaparamdam sa ’yo na magkaiba tayo parang gano’n, hindi niya po pinaparamdam ‘yon.”

Kutunayan nga daw, inaalalayan pa siya nito sa pag-arte, lalo na at mahirap ang role na kanyang ginagampanan.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

5 Comments

  • coolitz4coolitz

    07/03/2012 | 01:23 AM
    Ah yes... yung Budoy na hindi consistent ang characterization... yung Budoy na imbento lang ang klase ng sakit at walang medical basis, just for the sake of akting-aktingan, drama-dramahan... yung Budoy na wasak na wasak ang kwento, very incoherent... karapat-dapat ngang gayahin.... hayysz
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jams_mom

    07/02/2012 | 10:41 PM
    oo na, lahat na ng storyline na may retarded kinopya na sa budoy... pati yung mga sinaunang palabas na may ganyan ding tema, ginaya na rin dyan... inyo na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gma_pinay

    07/02/2012 | 02:10 PM
    una na nman ang mga kapamilya sa pagcomment..wala nmang masabing maganda, hay..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shingaling20

    07/02/2012 | 12:56 PM
    inspired by BUDOY..thnx abscbn for the idea..idol talaga kayo ng gma..
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    pearl102
    07/03/2012 | 01:18 AM
    Kaya pala yung LORENZO'S TIME ay copy lang sa LORENZO's OIL...
    kinabog
    07/03/2012 | 11:26 AM
    copycat ng The Curious Case of Benjamin Button. Wala talaga matinong maisip ang dos.
    hidden23
    07/03/2012 | 02:48 PM
    loka. 6 yrs ago may palabas ang daisy siete na mentally challened si sunshine. at magaling ang acting niya. kinopya din yun sa budoy???? six yrs ago na a. budoy budoy budoy- kopya sa sam engs.
  • gandatfc

    07/02/2012 | 10:32 AM
    a certain Budoy copycat!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!wl n bang inang maisip???esep esep nman jan!!!!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About