guide

Richard Yap says about leading lady Jodi Sta. Maria: "I see her as an intelligent person and very strong woman."

by Allan Sancon posted on July 7, 2012  STATS: 13669 Views | 5 Comments

(From left) Mutya Orquia, Richard Yap, and Jodi Sta. Maria topbill ABS-CBN's upcoming teleserye Be Careful With My Heart.

Photo By: Allan Sancon

Isang “feel good” teleserye ang matutungahayan ng mga manonood sa ABS-CBN Prime-Tanghali simula ngayong Lunes, July 9. Titled Be Careful With My Heart, ito ay pagtatambalan nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria. Si Richard ay unang nakilala bilang Papa Chen sa Kim Chiu-starrer na My Binondo Girl.

Sa press conference kamakailan ng naturang show, sinabi ni Jodi na malaki ang pasasalamat niya na pinili siya ng ABS-CBN na maging leading lady.

“Espesyal sa amin ni Papa Chen ang teleseryeng ito dahil bukod sa una naming tambalan ang teleseryeng ito,  sa edad namin ito ay love team kami, di ba? Ito rin ang teleserye na sa unang pagkakataon ay bida ako at masasabi kong teleserye ko.”

Nang tanungin tungkol sa kanyang character, sabi ni Jodi: “Ako rito si Maya dela Rosa. Isa siyang probinsyana, mapagmahal siya sa pamilya niya, siya yung tipo ng tao na gagawin ang lahat para sa pamilya. Isa lang naman ang dream niya sa buhay: na maging isang flight attendant. Gagawin nya ang lahat para ma-achieve niya yung dream niya na yun, yun nga hanggang sa makarating siya sa Manila at nagkakilala sila ni Mr. Richard Lim. Very positive yung outlook niya sa buhay, maganda yung disposisyon niya. Siya yung klase nang tao na walang impo-imposible, lahat pwedeng gawan ng paraan.”

Si Richard Yap naman ang gaganap bilang Richard Lim. Aniya, “I’m a widower with 3 kids, kasi busy sa work, tapos medyo heart broken nga kasi I lost my wife. Hindi ko sila naasikaso, kaya I need somebody to take care of them, kaya I looked for a nanny [to be played by Jodi].”

Sa matagal na pagkawala sa telebisyon nina DivinaValencia, Gloria Sevilla at Robert Ortega ay buong giliw naman silang nagpasalamat sa Kapamilya Network dahil binigyan sila ng pagkakataon na magbalik telebisyon. Ito ang pahayag nila tungkol sa kanilang mga roles.

Divina Valencia: “Ako si Mamang, isa akong bingi na anak ko si Sylvia, apo ko si Aiza [Seguerra] at Jodi. Napakasaya sa taping, napakasarap nila kasama, napakagaling ng mga bata at ako ay enjoy na enjoy sa pagbabalik telebisyon ko.”

Gloria Sevilla: “Isa akong mayordoma ni Richard Yap sa bahay, maalaga sa mga anak niya at mabait ako rito, lahat ng problema ni Richard dito ako ang sumasagot at pinagkakatiwsalaan niya ako sa bahay.”

Robert Ortega: “Ako naman po, I play the role of Fred, secretary ako ni Papa Chen rito, friend niya rin at alter ego. Nagpapasalamat ako sa Abs-Cbn kasi binigyan ako ng chance makabalik sa telebisyon.”

Kwela namang isiniwalat ni Aiza na isang mother role ang kanyang gagawin para as teleseryeng ito.

Aiza Seguerra: “Nagulat na lang ako na may anak na pala ako sa show na ito. Ako po rito si Kute, nakakatandang kapatid ni Jodi. Masakit po sa akin na ako ang nakakatandang kapatid niya. Ako po ay isa nang nanay dito, eto yung una kong soap na mother role na ako. Nag go grow na rin ako bilang artista. Yun po ang role ko, nanay na kalbo at may tattoo. Kung bakit Kute name ko? Dahil kuya at ate ako rito kaya Kute.”

Ang anak naman ni Aiza sa teleserye ay si JM Ibanez. Siya ang gumanap kay Cho na isang, tourist guide.

Parakay Sylvia Sanchez, matagal na raw niyang pinapangarap na gumawa ng isang comedy role sa isang teleserye dahil puro daw kontrabida ang papel niya sa telebisyon. This time raw ay natupad na ang pangarap niya na magkaroon ng comedic role.

Sylvia Sanchez: “Ako po rito si Teresita, ina po ako ni Jodi at Aiza, anak po ako ni Tita Divina, apo ko si JM. Mabait po ako rito. Ang kaibahan po nito sa show namin na Mundo Man ay Magunaw, doon po ay sobrang sama ko dun, dito po ay nakakatawa kami. Natutuwa po ako, kasi iba naman po yung makikita nyo pong role sa kin rito.”

Maihahalintulad ang Be Careful With My Heart sa Sound of Music dahil tulad ng nasabi ni Papa Chen ay may mga anak siya rito at kinakailangan niyang maghanap ng yaya para sa mga ito. Heto naman ang pahayag ng tatlong anak ni Papa Chen sa teleseryeng ito:

Mutya Orquia: “Anak po ako rito ni Papa Chen na hindi rin po ako masyadong nakakarinig rito.”

Janella Salvador: “Ako po rito ang pangalawang anak ni Papa Chen, ang role po rito ay medyo mataray, kasi medyo na push po ako na maging mother of the family kasi nga po namatay yung mother ko rito.”

Jerome Ponce: “I play as Luke, ang eldest son ni Papa Chen. Aside na father ko si Papa Chen, best friend ko rin po siya rito, pero mula po nung nawala mother namin, naging rebelde po ako rito. Parang galit sa mundo po.”
 

Ano naman ang masasabi nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria nang pagtambalin sila sa unang pagkakataon sa teleserye na ito?

Richard  Yap
: “This is the first time na magkasama kami ni Jodi,  but in the short time the we’ve been together, I see her as an intelligent person and very strong woman. We have lots of things in common, kaya nagkakaintindihan kami. I find her a very fine actress. I admire her a lot for all the things that she accomplished and as person as well.”

Jodi Sta. Maria: “Hindi mahirap pakisamahan si Richard at nakikita ko rin naman sa kanya yung willingness niya na matuto sa work, yung pagmamahal niya dun sa new found love niya, which is acting. Yung professionalism nandoon sa kanya. Saka para kaming partner na dalawa eh, maging sa mga promo or eksena sa taping, pinag-uusapan namin kung anong gagawin namin, kumbaga, we support each other.”

Mapapanood ang Be Careful With My Heart bago It’s Showtime sa ABS-CBN.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

5 Comments

  • mrsenchong

    07/09/2012 | 10:16 AM
    ang request eh sa primetime, bakit naman inilagay sa umaga? Kalurkey...lalo ko tuloy hindi mapapanuod, badtrip naman oh!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    demita15
    07/09/2012 | 04:06 PM
    oo nga! this should be shown on prime time. maganda sya. trailer pa lang funny and catchy na. i like it
  • pinaskongmahal

    07/07/2012 | 09:22 PM
    GIMIK GIMIK GIMIK. mga kapamilya fantards ano kaya ang masasabi nyo sa article na ito? when there was an ariticle about RG and Sarah L. gimik daw. at least si RG SL may karapatan na maging mag boyfriend -girlfriend eh ang 2 ito ? ang galing nyo kase na husgahan ang GMA alam na alam naman ninyo na mas style ng abs ang pilitin na maging magboyfriend ang artists nila para may mapagusapan.eh hindi nga ba nagririgodon ang star circle sa pagpapalitan ng boyfriend at girlfriend.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • twozerofive

    07/07/2012 | 04:58 PM
    Hindi porket nagkamali ka sa pinili mong buhay, Hindi ka na intelehente, Isa pa, di pa napapatunayan na sya ang nagkamali sa relasyon nila ni pampi...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Iamanncurtis1

    07/07/2012 | 01:52 PM
    It is going to be a sure hit, napakaganda ang concept, nakakakilig.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • matty29

    07/07/2012 | 10:50 AM
    Intelligent? Jodi Well, she did cheat on her former Spouse Pampi.. anyway, I don't know the truth to everything so who am I to judge. GOD BLESS
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    malaya2007
    07/07/2012 | 02:13 PM
    proof mo si iwa? ayun biglang napipi nung malamang naghahandang magdedemanda si jodi.
    gibraltar
    07/08/2012 | 04:57 AM
    matty, you don't know the truth to everything and yet you're saying that Jodi cheated? Labo mo naman.
    cy2
    07/08/2012 | 11:05 AM
    e kc na mn prang un ang pinapalabas ni iwa.
    lolamo68
    07/08/2012 | 01:30 PM
    iwa, mag-aral ka para kahit paano eh mapantayan mo si jodi. wag kang pagagamit sa mga lacson
    demita15
    07/09/2012 | 04:08 PM
    pa Godbless Godbless ka pa ang sama naman ng ugali mo!

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About