Edu Manzano believes "1 vs. 100" is the game of the future

Julie E. Bonifacio
Monday, September 10, 2007 @ 08:27PM  |  2251 views

"I would like to say na ang 1 vs. 100, this is the game of the future... It's visual candy talaga, e," says Edu Manzano about this Endemol quiz show that airs every Saturday night on ABS-CBN.
Photo By: Noel Orsal













Impressive ang ratings ng dalawang magkasunod na Sabado ng bagong game show ng ABS-CBN na 1 vs. 100 hosted by Edu Manzano. Sa katunayan, ibinalita dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nagkaroon ng 27.3 percent rating ang pilot episode ng show na ito noong August 25.

Kakaiba ang game show na ito dahil maglalaban ang isang studio player at ang mob o grupo ng 100 contestants na sasagot sa mga trivia questions para mapanalunan ang P2 million.

Sa dalawang naunang episodes, ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas ang unang naglaro at sinundan ng komedyanteng si Brod Pete o si Isko Salvador. Noong Sabado, September 8, ang Entertainment Live! at Wowowee host na si Mariel Rodiguez naman ang nakalaban ng mob.

Mahalaga ang role ng host na si Edu dahil na rin sa bagong format nito at dami ng contestants na maglalaro. Bukod sa 1 vs. 100, nagho-host rin si Edu ng Game KNB? sa Kapamilya network.

"Kahit saan mo tingnan bagaman mataas ang aking expectation sa 1 vs. 100, natatakot din kami kasi baka kagaad-agad medyo maging napakalakas ng dating ng programa because you being there nararamdaman mo yung electrification. Because it's electrifying, e. Lalo na kapag nagre-react ang mob.

"Pati ako tumataas ang balahibo ko every time sumisigaw ako ng 1 vs. 100. Sinasabayan ng music, stingers, ng ilaw yung sigaw. Akala namin kasi masyadong malakas ang dating para sa Pinoy audience. Pero base doon sa naging ratings ng first two episodes, kaya naman," obserbasyon ni Edu.

TOP PRIORITY. Naiintriga ulit si Edu kung nagagawa pa rin ba niya ang tungkulin niya bilang Chairman ng Optical Media Board (OMB) sa rami ng programa niya sa TV ngayon.

"As a matter of fact, kinuwestyon nga ‘yon, e and I answered it. I wake up every morning at three o'clock and I'm at ABS-CBN at 4:30. Nagpro-programa kami hanggang 8:30. At 8:45 diretso muna ako sa opisina ko which is only two blocks away. Kaya kong lakarin yung OMB and we stay there for the entire day unless may meeting sa labas or mga raids at operations. And then, nagti-tape kami ng Game KNB? already mga 6:30 ng gabi na inaabot kami ng mga 11:30 ng gabi.

"But then, sa loob ng isang araw tatlong episodes na ang aming ginagawa. Dalawang araw lang sa isang linggo para mabuo namin ang one week episode ng Game KNB? At dito naman sa programa natin sa 1 vs. 100, mas mabilis yun halos taped as live na yun, e, hindi

gaya ng Game KNB? And we only tape two episodes every other Saturdays. So, hindi talaga nakaka-affect doon sa aking schedule and I made sure na ‘yun pa rin ang ating priority, ang OMB."

Alin ang mas challenging para sa kanya as a host, ang Game Ka Na Ba? o ang 1 vs. 100?

"Actually, it is exciting ultimo yung host mae-excite lalo na halimbawa ilang buwan nagkamali tapos unti-unti mong nakikita...I have seen previous episodes na pina-review sa akin at kung saan sa isang tanong lang and yung mga nagkakamali 40, 50 [persons].

"Kapag nakita mo yung complexities nito, unang-una I will be forever indebted to Ms. Kris Aquino for sharing her show with me. I have said it once at uulitin ko po sa kanya pa rin po yun [Game Ka Na Ba?].

GAME OF THE FUTURE. Bilib na bilib si Edu sa Endemol game show na 1 vs. 100. Sa katunayan, tinatawag niya itong game of the future.

"I would like to say na ang 1 vs. 100, this is the game of the future. Yung klase ng complexity in a game show, yung demand, ganu'n pa rin kadali pero yung visual candy na ino-offer sa televiewer, well it might seem very exciting for the mob, for the host. This is primarily geared for the televiewers. It's visual candy talaga, e. Kung kami sa studio grabe ang excitement sa loob ng studio, yun pa kayang mga nanonood?"

Sa higpit ng schedule niya, paano pa niya nabibigyan ng panahon ang kanyang personal business and love life?

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name