guide

Banana Split star Zanjoe Marudo reveals interest in golf

by Nerisa Almo posted on August 18, 2012  STATS: 1555 Views | 0 Comments
Photo By: Courtesy of ABS-CBN

Lingid sa kaalaman ng marami, golf ang paboritong sport ni Zanjoe Marudo, at tulad ng karamihan sa mga manlalaro, naging pangarap din niyang sumikat sa larangan ng golf.

Ayon kay  Zanjoe, “Lahat naman siguro nangangarap na maabot ‘yung sobrang prestigious na competition na ‘yun.

“Sa ngayon, ine-enjoy ko lang yung paglalaro.”

Ayon sa aktor, ang paglalaro ng golf ang paborito niyang  gawin pag may libre siyang oras. “Nakaka-kalma kasi at sobrang nakaka-enjoy na rin.”

Sinabi rin ni Zanjoe na ang girlfriend na si Bea Alonzo ay nakakasama rin daw niyang maglaro ng golf, lalo na kapag may oras ito.

ON BANANA SPLIT THIS SATURDAY. Samantala, sa pagtatapos ng London Olympics, gagawa ang Banana Split ng mga spoof ng ilang sports at aawit din sila ng re-lyric songs tungkol dito.

Sa “Hot Issue” naman, mapapanood ang spoof version ng ligawan ng dalawang sikat na Kapamilya stars at ang grand premiere night ng pelikulang The Reunion.

Panoorin ang lahat ng ‘yan sa Banana Split, ngayong Sabado (Agosto 18) pagkatapos ng TODA Max, sa ABS-CBN.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About