guide

Kim Chiu and Maja Salvador have intense rivalry in Ina Kapatid Anak
posted on September 12, 2012  STATS: 15358 Views | 11 Comments

Kim Chiu (right) is paired with Xian Lim while Maja Salvador (second from left) has Enchong Dee as her leading man in the family drama Ina Kapatid Anak.

Excited na ang dalawang primetime TV princesses na sina Kim Chiu at Maja Salvador sa nalalapit nang pagpapalabas ng pinakabagong family drama ng ABS-CBN na Ina Kapatid Anak.

"Nandito na lahat ng hinahanap ng viewers--kwento ng pamilya, magkaibigan, at magkakapatid," ani Kim base sa isang release mula sa ABS-CBN. Bibigyang buhay ni Kim ang karakter ni Celine na bagama't mahirap ay napakapositibo ng pananaw sa buhay. "Sa teleserye namin, matututunan nila kung paano dapat pahalagahan ang pamilya at kung paano abutin ang mga pangarap."

Samantala, mayaman at glamorosang si Margaux naman ang role ni Maja sa Ina Kapatid Anak. Aniya, "Kumikinang ang mga gamit ko dito, pero sa kalaunan ay matutuklasan ng mga manonood ang tunay na nasa loob ko."

Kung sa tunay na buhay ay patatag nang patatag ang pagkakaibigan nila Kim at Maja, matitinding tapatan naman ang magaganap sa mga karakter nilang sina Celine at Margaux sa kwento ng kanilang upcoming series.

Ayon kay Maja, dapat raw tutukan ng viewers kung malupit na bida-kontrabida nga ba siya sa Ina Kapatid Anak. Pahayag niya, "Maganda yung characters namin dito ni Kim kasi parehas kaming palaban at hindi namin hinahayaang apihin ang pamilya namin."

Dagdag naman ni Kim, bagong-bago para sa kanya ang role ni Celine. "Malayo ito sa mga characters na nagampanan ko kasi si Celine loud, madaldal, maingay, kanto girl. Kahit ako naiingayan ako sa sarili ko," ani Kim. "Kung sa My Binondo Girl ay pa-sweet ako at may kaya sa buhay, dito sa Ina Kapatid Anak sobrang mahirap talaga ako. So ibang-iba yung atake."

Bukod sa pinakaaabangang confrontation scenes sa pagitan nina Kim and Maja, marami na ring nananabik sa mga ka-love team nila. Sa Ina Kapatid Anak, muling makakatambal ni Kim si Xian Lim; samantalang makakapareha naman ni Maja sa kauna-unahang pagkakataon si Enchong Dee.

Nang tanungin kung may daring o love scenes bang magaganap sa kanilang teleserye, diretso lamang itong sinagot ni Kim. "Sa tine-taping kasi namin ngayon, teenager pa lang yung characters namin ni Xian. Later on, meron din siguro. Abangan na lang natin," aniya.

Ang Ina Kapatid Anak ay isang malalim na kuwento tungkol sa pamilya, pag-ibig, kapangyarihan, tunggalian at pagtanggap, ang nasabing teleserye ay magtatampok sa isang powerhouse cast na binubuo ng apat sa pinakasikat na young stars ng kanilang henerasyon na sina Kim, Xian, Enchong, at Maja; highly-acclaimed seasoned actors na sina Janice de Belen, Cherry Pie Picache at Ariel Rivera; at tatlo sa pinakanirerespetong veteran stars na sina Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil, at Eddie Gutierrez. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Don Cuaresma at Jojo Saguin.

Ang Ina Kapatid Anak ay ipapalabas ngayong Oktubre sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  opinion_ko_to

    09/13/2012 | 10:38 PM
    ayaw ko kay enchong talaga!hehehe..well di ko rin naman expect na gusto nya ako.hahaha!maja ang enchong?ah di ko ma feel eh....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  Einstein_1

    09/13/2012 | 09:56 PM
    tagal na ng kim chiu na yang artista. d pa rin marunong umarte.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    opinion_ko_to
    09/13/2012 | 10:35 PM
    parang idol mo lang na si Psychology....
  • swanlakegirl

    09/13/2012 | 07:31 PM
    enchong mas makapal pa yata foundation kesa ke Maja
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Max_08

    09/13/2012 | 03:15 PM
    sino kaya ang ng apply ng foundation kay enchong dito sa pictorial . close eyes tlga teh?. hahahah.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BrunoEsmeralda

    09/13/2012 | 11:34 AM
    ina. kapatid. anak. with maja salvador. and xiam lim. ang maja broke off with matteo. kaya pala
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Ligayaparaiso2011
    09/16/2012 | 02:27 PM
    constillation. machisimo. fornification. and BrunoQuasimodo. kaya pala Miss Tertiary Education. he has not produce siblings. kaya pala Miss Grammar at Miss Sibling....hahahaha
  • FirstPrincess

    09/13/2012 | 03:24 AM
    Si Xian Lim ang una at huli kong naging crush sa showbiz. For me, he is the most handsome guy in his generation. I love you to the max, Xian.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    BrunoEsmeralda
    09/13/2012 | 11:35 AM
    and how old are you. and define handsome. use your USER friendly software to search
    Ligayaparaiso2011
    09/16/2012 | 02:13 PM
    Define sibling, BrunoQuasimodo. May nagbulong na ba sa iyo kung bakit hindi pwedeng mag-produce ng sarili nyang sibling si JLC? hahahaha
  • pepstalker02

    09/12/2012 | 08:38 PM
    pouty lips pala si enchong...
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    BrunoEsmeralda
    09/13/2012 | 11:35 AM
    and a swimmer, marunong SUMISID, champion pa nga daw during his schooldays sa US of A
    Ligayaparaiso2011
    09/16/2012 | 02:10 PM
    BrunoQuasimodo, kasalanan ang nagbibintang at nagsisinungaling, hindi ba? Anong schooldays sa USA ang nginangalngal mo dyan! Sa Bicol yan nag-aral at sa La Salle nagtapos ng tertiary education nya. Sigurado akong alam nya ang meaning ng sibling, hindi gaya mo. Mag-research ka nga Teh bago ka mag-comment.
  • futyakmod

    09/12/2012 | 08:15 PM
    xciting!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    BrunoEsmeralda
    09/13/2012 | 11:37 AM
    please print the e. xian lim has trouble with abbr or shortened text. H E for his excellency nga, hindi pa na absorb ni xian
    Ligayaparaiso2011
    09/16/2012 | 02:17 PM
    Ikaw nga, BrunoQuasimodo, sibling nga hindi mo alam ang meaning. Saan mo ba napulot ang mga salitang machisimo,constillation at fornification? Naturingan ka pa ngang Miss Tertiary Education! hahahaha
  • swanlakegirl

    09/12/2012 | 04:24 PM
    Bagat enchong at maja kyo n LNG wag n kyo mki ride Kay Coco at Julia no other teleserye can beat Walang hanggan sorry walang dating itong dramang to enchong pa girly pa ano ba yan Kim at xian din
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    BrunoEsmeralda
    09/13/2012 | 11:37 AM
    day, huli ka na sa balita, ayon sa latest abs cbn paid kantarsubscription sa tv ratigns, kinabog na ang WH. laglag na
    Max_08
    09/13/2012 | 03:08 PM
    paikot ikot ang WH ayan tuloy .. naungusan na sila ng P
  • marilousyj

    09/12/2012 | 03:06 PM
    Nice touch to it maybe. Good luck na lang but I won't be following this as religiously as I am Walang Hanggan. I would be happy to rest my eyes from TV when WH ends.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    BrunoEsmeralda
    09/13/2012 | 11:38 AM
    dont make empty promises, bad yan
    Ligayaparaiso2011
    09/16/2012 | 02:34 PM
    BrunoQuasimodo, "you shall not bear false witness against your neighbor", very bad yan.
  • daiguro01

    09/12/2012 | 02:55 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    jed_raz8
    09/12/2012 | 05:25 PM
    hahaha.. wait k lng. nbwelo p sila. ndi kc magkamayaw kung magknu nga b tlga ang utang ng ABS eh. mas matindi p ang galit nila sa ABS kc nangungutang eh un bangko ngang inutanangan eh wlang kaabog abog n ipost o sabihin d2. bkit nga ba may mga taong tulad nila n maxadong makitid ang utak. kala mo nman wla silang utang or never p cla nagkautang eh obvious nman n hikahos sila sa hirap kc nga ibang klaseng mag isip eh. hahaha
    Lex321
    09/12/2012 | 06:26 PM
    daiguro May Tama ka!!!! XD
    BrunoEsmeralda
    09/13/2012 | 11:39 AM
    huli naman kayo sa balita. hindi na bangko ang kinakausap ng abs cbn. si mr OKADA na, yung owner ng mga CASINO at iba pang mga PASUGALAN na establishments.
    Max_08
    09/13/2012 | 03:11 PM
    da more articles da more haters .. so ngyon defense naman ang mga dos .. heheh..
    Ligayaparaiso2011
    09/16/2012 | 03:20 PM
    Napakasinungaling mo, BrunoQuasimodo! Ang galing mong mag-twist ng facts kasi twisted ang pag-iisip mo!

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About