PRESS STATEMENT FROM GMA-7:


"Para Sa 'Yo Ang Laban Na Ito, ang show na makakahikayat sa iyo upang gumawa ng mga desisyon na makakapagpabago sa iyong buhay, mga desisyong noon mo pa pinapangarap na mapanindigan para sa iyong sariling kapakanan.
 

"Kasama si Manny Pacquiao bilang host, ito ang natatanging self-help drama ng GMA, na mapapanood na simula sa Pebrero 3, 10 PM, pagkatapos ng Imbestigador.
 

"Bawat episode ay mahalagang patotoo na ang buhay ay kayang baguhin ng mga desisyon natin.  Tulad ng mga kuwentong-buhay na ngayon lang ilalahad ni Manny sa bawat Linggo.  At ang kaniyang mga sikreto sa pagtatagumpay sa buhay ay magiging gabay na rin natin ngayon sa pang-araw-araw na buhay.  Para maging tayo ay maging matagumpay din na tulad niya.
 

"Bukod sa mga pagbabahagi ni Manny ay laging may dalawa pang kababayan natin ang maglalahd din ng kanilang talambuhay, mga kuwento ng pag-asa at kung paanong minsan din itong sinusubok.  At dahil may drama sequences ang paglalahad ng mga kuwento, na magtatampok din sa ating mga paboritong artista ay nagiging mas entertaining ang palabas.
 

"At mas mahalaga sa panahon ngayon ay mabibigyan din tayo ng palabas ng makabagong pananaw upang harapin ang ating buhay.  Ito na ang pinakamabuting paraan para suungin natin ang bawat linggong darating.
 

"Kasama ni Manny sa programa si Jean Garcia bilang co-host, isang taong dumaan din sa mga pagde-desisyon na nakatulong sa kaniya upang maging mas maganda, matapang at magaan ang pagharap niya sa kaniyang sariling buhay at mga pagsubok.

 
"Para sa pilot episode, tampok sa Para Sa 'Yo ang kuwento ng dalawang babae na inabandona ng kani-kanilang mga asawa at napilitang mag-isang palakihin ang mga anak. Hindi maikakailang malapit sa puso ni Manny ang karanasan nila dahil ganito rin ang sinapit ni Mommy Dionisia sa ama niya.  Ano kaya ang maipapayo ni Manny sa kanila? Makumbinsi kaya niya ang dalawang babae na patuloy na lumaban sa buhay?
 

"Ang pagbabago magsisimula sa desisyon mo.  Simulan mo na.  Tuwing Linggo, 10 PM sa GMA-7."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.