Photo: Noel Orsal


PRESS STATEMENT FROM GMA-7:


"Ngayong Sabado (February 9), ibabahagi ng Magpakailanman ang buhay ni Wally Bayola - mula sa isang batang hindi pinalaki ng sariling pamilya hanggang sa kaniyang mga paghihirap para itaguyod ang sarili.

 
"Mula Aparri hanggang Jolo, kilala ang Dabarkads na si Wally Bayola sa kaniyang pagpapatawa at pagpapanggap na isang bakla. Ngunit kakaunti lang ang nakakaalam ng kuwento sa likod ng kaniyang bawat ngiti at bawat patawa.

 
"Makikilala rin natin ang isang Wally na wagas kung umibig, kung paano niya nakilala ang babaeng kaniyang inibig, at kung paano nila hinarap ang mga pagtutol sa kanilang relasyon.

 
"Muli rin niyang tatahakin ang mga pagsubok na humamon sa kaniyang pagkatao. Ang bawat ligaya’t bawat pagkabigo bago niya nakamit ang tagumpay at kasikatan na nararanasan ngayon.

 
"Mula sa direksyon ni Ricky Davao, sundan ang tunay na kuwento ng buhay ni Wally Bayola at ang kaniyang pakikipag-kuwentuhan kasama si Ms. Mel Tiangco, ngayong Sabado sa Magpakailanman pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories sa GMA-7."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.