In Maalaala Mo Kaya, Kiray brings life to Brenda, an insecure but talented lady who wants to prove to everyone that her short stature is not a hindrance to success. Kiray is paired with Arjo Atayde in the September 14 episode of MMK.

Photo: Courtesy of ABS-CBN

KIRAY, MAGPAPALUHA SA MMK. Mahusay ngunit puno ng insecurity ang karakter na gagampanan ng Kapamilya comedienne na si Kiray Celis sa panibagong episode ng Maalaala Mo Kaya na ipalalabas ngayong Sabado (Setyembre 14).

Dahil sa pagiging maliit, halos buong buhay na nagsumikap si Brenda (Kiray) upang mapabilib ang mga tao sa paligid niya. Ngunit sa kabila ng tagumpay, hindi pa rin lubos ang tiwala ni Brenda sa sarili, lalo na nang pumasok sa buhay niya ang lalaking minamahal niya. Gaano ba kahirap makamit ang pagmamahal at respeto ng iba kung mismong sarili mo ay hindi mo tanggap?

Kasama ni Kiray sa MMK sina Arjo Atayde, Tetchie Agbayani, Ronnie Lazaro, Aaliyah Belmoro, Gilleth Sandico, Marnie Lapuz, Raquel Villavicencio, Young JV, Bianca Casado, EJ Jallorina, Marie Joy Dalo at Alec Dungo. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Akeem Jordan Del Rosario, panulat ni Mary Rose Colindres, at direksyon ni Garry Fernando.

Mapapanood ang Maalaala Mo Kaya (MMK) ngayong Sabado pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.