StarStruck graduates Iwa Moto (left) and Ryza Cenon (right) will take over the roles first offered to Cristine Reyes and Jennylyn Mercado, respectively, in Joaquin Burdado. Photo: Noel Orsal


For next year pa—first quarter of 2008—ang second primetime show ni Robin Padilla para sa GMA-7 after Asian Treasures, ang Joaquin Burdado. In place na ang production staff ng naturang action-fantasy series, and so are the stars but with some changes from the original choices.

 

Unang nagpaalam si Jennylyn Mercado na makaka-partner sana ni Mark Herras. Sila sana ang loveteam in this action-fantasy soap that will star Robin together with two leading ladies, Iza Calzado and Cristine Reyes. Sa mga naisulat, ang dahilan ng pagba-backout ni Jennylyn ay dahil baka raw kasi magmukhang supporting sila ni Mark sa show.

 

Ang sumunod na nagpaalam ay si Cristine, after the Carlene Aguilar-Dennis Trillo issue. Pagkatapos hindi sumipot sa presscon ng launching movie niya na Green Paradise, her road and co-manager told us na nasa GMA-7 siya that time, nakikipag-meeting para sabihing baka hindi niya tanggapin ang role.

 

Nakagawa na agad ng remedyo ang GMA-7 sa pagba-backout nina Jennylyn at Cristine by replacing them with two other StarStruck girls from different batches.

 

Ang StarStruck 2 Ultimate Female Survivor na si Ryza Cenon ang papalit kay Jennylyn to be Mark's partner. Bale ito ang pag-solidify ng love team nina Mark and Ryza na sinimulan sa Fantastic Man.

 

Ang StarStruck 3 First Princess na si Iwa Moto naman ang nakatakdang pumalit kay Cristine bilang isa pang partner ni Robin. Magkatulad ang dinaanang career path nina Cristine at Iwa. Reluctant sex symbols na napapayag na maging cover girl ng FHM, Cristine and Iwa stood out when they accepted contravida roles; si Cristine sa Super Twins at si Iwa sa Kung Mahawi Man ang Ulap at sa ipinalalabas ngayong Zaido: Pulis Pangkalawakan.