KC Montero (left) and Gabby Eigenmann are two of the "casualties" of SOP's reformatting Photo: Noel Orsal

Huwag magugulat ang mga regular televiewers ng SOP every Sunday kung hindi na mapapanood sa naturang musical-variety show sina Gabby Eigenmann, KC Montero, at Aryana. Tatlo sila sa mga nabigyan ng "walking papers" ng naturang show.



Nagkaroon ng reformatting ang SOP simula ngayong 2007. Nagpasok ng mga fresh talents sa musical variety show na sa tingin ng management ay makakapagpalakas sa programang nasa highly competitive time slot ng Sunday noon.

Mukhang positibo naman ang resulta ng pagbabagong ito sa SOP. For the past few weeks kasi ay naungusan na muli ng SOP ang katapat nitong ASAP sa ABS-CBN. Gusto nilang ma-maintain ‘yon by putting in new talents, ‘tulad na lang ng Philippine Idol finalist na si Gian Magdangal.



Kahit na malungkot, tanggap naman nina Gabby, KC, at Aryana ang pagkakatanggal nila sa SOP. Alam nila na para rin ito sa ikakagaganda at ikatatagal ng SOP sa ere.



Pero kahit na nga wala na sa SOP ang tatlo, may kanya-kanya pa rin naman silang trabaho sa GMA-7. Magiging frequent guests pa rin sila sa SOP.



Si Gabby ay makakasama sa bagong action-fantasy primetime series na Super Twins, kung saan bida sina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte.



Si KC naman ay sunud-sunod ang hosting jobs at pagpe-perform siya sa iba't ibang events dito at sa ibang bansa.

Si Aryana, bukod sa magiging busy sa promo ng kanyang self-titled album under Universal Records—which has the hit single "Ulan"—ay napili ring kumanta ng theme song ng Angel Locsin-Richard Gutierrez romantic movie na The Promise ng GMA Films at Regal Entertainment. Makaka-duet niya rito ay Brenan Espartinez.



In April ay magkakaroon ng show ang SOP sa Japan at makakasama pa rin ang tatlo sa pag-e-entertain nila roon ng mga kababayan natin.