"Us Girls" adds new segment targeted to male viewers

Alex Datu
Thursday, July 10, 2008 @ 08:13PM  |  3038 views

Us Girls hosts (from left) Cheska Garcia, Angel Aquino, and Iya Villania attended the grand eyeball for loyal viewers of their show. It was held at SM North The Block last Saturday, July 5.
Photo By: Alex Datu














Matagumpay na ginanap ang grand eyeball ng palabas na Us Girls na napapanood sa Studio 23, sa pamamagitan ng isang mall show sa SM Block noong Sabado, July 5. Gusto nilang ipaalam na mapapanood na ito tuwing Linggo ng alas otso ng gabi imbis na 9:30 pm. Ito ang dating life style TV show na F na pinalitan ng titulong Us Girls. Ang mga hosts ng naturang show ay sina Iya Villania, Angel Aquino, at Cheska Garcia.

Ayon sa isang taga-production ay nagkaroon sila ng kanilang ikalawang taong pagdiriwang noong March sa pamamagitan ng isang fashion show na ginanap sa Trinoma Mall.

Magkakaroon ng konting pagbabago sa nasabing programa dahil magkakaroon na sila ng segment para sa mga kalalakihan. Meaning, hindi na ito 'yong dating pang-exclusive lifestyle show para sa mga kababaihan kundi pag-uusapan na rin dito ang mga bagong uso sa mga kalalakihan.

PEP (Philippine Entertainment Portal) had a chance to ask Angel some questions at ito ay tungkol sa kanyang boyfriend who is much younger than she is. "Hindi ko naman sila hinahanap, kasi for some reasons, nakakatawa sila. 'Yong energy nila lalo na si Lui [Villaruz, her boyfriend]. He's very cute. He brings me to many kinds of feeling, e, na parang he makes you feel alive," masayang pahayag ni Angel. Hanggang ngayon daw ay wala pa silang planong magpakasal.

Mapapanood sa darating na fourth Cinemalaya Film Fest ang short film ni Angel na may titulong God Only Knows. "It's a short film about poverty, about a relationship between a mother and her son kasi ipapaampon niya ito. Medyo dark ng konti." Magsisimula bukas, July 11, ang naturang film fest na gaganapin sa Cultural Center of the Philippines.

Sa pakikipag-usap namin kay Cheska ay kinumusta namin sa kanya ang kapatid nitong si Patrick Garcia. "Okey naman siya, everything is normal. He will be back for my wedding on October."

So totoong nasa ibang bansa siya at hindi nagtatago dito sa atin?

"Bakit naman magtatago si Pat, ang labo-labo naman ng mga tsismis na 'yan as in, promise. Bakit siya kailangan magtago, kriminal ba siya, may pinatay ba siya, may ninakawan ba siya? Hindi ko maintindihan ang sinasabi nilang nagtatago si Patrick. Bakit kailangan niyang magtago?"

Regarding sa magiging hunsband nitong si Doug Kramer ay apat na taon at walong buwan na silang magkarelasyon. Inamin ni Cheska na they are of right age, emotionally, physically and financially stable to be husband and wife.

Katatapos lang nitong nag-tape ang kanyang maiksing papel sa GMA-7 show na Ako si Kim Samsoon at ngayon naman ay bigla siyang ipinasok sa ABS-CBN show na Iisa Pa Lamang bilang lawyer-girlfriend ni Gabby Concepcion.

Nakausap din namin si Iya at ayon sa kanya, graduate na siya ng De La Salle University at nasa Dean's List pa siya nang magtapos ng kursong AB Psychology. Inamin din nito na going very strong pa rin ang kanilang relasyon ni Drew Arellano hanggang sa ngayon pero hindi pa rin nila pinag-uusapan ang pagpapakasal.

Inamin ng tatlong magagandang hosts na sobrang enjoy sila sa kanilang TV program na Us Girls at wish nila na magtatagal pa itong ng maraming mga taon dahil marami silang natutunan sa kanilang programa.


Mapapanood ang Us Girls tuwing Linggo sa Studio 23 ng 8:00 pm.

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name