Nagmamarka si Martin Andanar bilang isa sa pinakaguwapong
newscaster at napapanood siya tuwing gabi sa TEN (The Evening News),
gayundin sa Sunday primetime reality police crime show na Pulis... Pulis,
both of which are aired on TV5. But, more than his looks, 'yung kredibilidad
siguro niya ang higit na nagpapaangat sa kanyang personalidad.
"Why not Channel 5?" naibalik ni Martin ang tanong nang usisain namin kung
bakit nananatili siyang loyal sa network na ito, na kailan lang ay
nagbabagong-bihis.
"I'm happy here without much pressure. Kasi, ang trato ko rito, trabaho
lang talaga, hindi isipin yung kung paano ako aangat sa kumpetisyon. I can
improve and achieve more by not thinking much of the network war.
"Isa pa, wala namang nakakaisip na i-pirate ako," natatawang naidugtong pa
niya.
Napansin nga namin na sa katuwiran ni Martin, he's not after the popularity.
Kung tutuusin, with his height and looks, marami siyang dadaiging newscasters
from ABS-CBN and GMA-7.
"Hindi naman 'yun ang goal ko, ang maging popular. If ever, kung popular
na ako, what's next? Ano naman yun? Ang importante sa akin, yung credibility.
You can be famous naman with your credibility, di ba?
"Puwede kang maging popular, pero walang credibility. Mas importante sa akin 'yung credibility," diin pa niya.
Very impressive ang educational background ni Martin. Nag-graduate siya ng college sa University of Ballarat, sa Australia, with a double degree in Film and Media Studies; Social and Political Studies. Hindi siya nagkasya roon at nag-aral pa sa Asian Institute of Management, finishing his Masters in Entrepreneurship, at nakatapos with honors.
Maraming kilala sa entertainment press si Martin. Interesado ba siya sa
showbiz? "Hindi naman sa gusto kong maging beat ko ang entertainment, kaya
lang, napapansin ko lang na there's a thin line between straight news and showbiz.
"Hindi maiiwasan na ma-showbizy ang mga gaya namin, at lagi na'y nalalapitan din kami ng entertainment press. Maybe because we are being exposed as personalities, na hindi lang yung news na dine-deliver namin ang pinag-iinteresan ng mga tao.
"Curious din talaga sila sa personalidad at pagkatao namin kasi, nakikita kami, napapanood," tanging nasabi na lang ni Martin.
Pero, aminin man o hindi ni Martin, mukhang mas madali
siyang matandaan, at popular na rin naman, because he has the looks. Sa police
beat niya sa Pulis... Pulis, naitanong namin kay Martin kung hindi siya
pinag-iinteresan ng mga baklang pulis?
"Hindi ko alam," at natawa siya sa tanong namin. "I don't have any problem with gays. Kaya lang, wala akong napapansin na mga baklang pulis na lumalapit sa akin, o baka hindi ko alam na gay pala sila.
"Kasi, kapag nasa trabaho ako, trabaho lang talaga. At saka pamilyado
akong tao. I don't really talk about those things," at lalo siyang natawa.
In fact, medyo natawa kami nang sa interview namin sa Thai Kitchen ng Robinson's Galleria kamakailan, pagkatapos niya ng pagdyi-gym, kami na ang tinanong ni Martin tungkol sa aming sexuality, na para bang namamangha pa siya sa mga sagot namin.
"I find gay people very interesting, kasi, most of them, matatalino talaga. Bukod sa masayang kausap, masarap din silang maging friends. I see nothing wrong with that.
"Pero, seryoso naman kasi ako at 'yung mga nagiging kaibigan kong gays, alam nila that I'm not like that. I don't need to be defensive. Live and let live lang 'yan.
"They don't cause trouble naman. Sa gym nga, alam ko, maraming gays doon na nagdyi-gym," pagwawakas ni Martin.



0

