The youth-oriented show Lipgloss (in photo) will have additional characters when it begins its second season on TV5. Another show, Midnight DJ, will also start its second season this November. Photo: Elyas Isabelo Salanga
 

Dalawang non-in-house produced shows sa TV5 ang magkakaroon ng second season.

 

Unang linggo ng Agosto nagkaroon ng malaking press con ang TV5 sa pagbabagong bihis nito at kung saan ipinakilala ang mahigit labinlimang bagong shows. Ilan dito ay mga non in-house shows na line produced ng ibang production tulad ng Chicklit, Hush-Hush, Lipgloss, Batang X, Rakista at Midnight DJ. Ang iba naman tulad ng Juicy, Shall We Dance, Talentadong Pinoy, Lokomoko at O-Gags ay produced ng bagong pamunuan ng TV5 at ang TEN at Pulis-Pulis ay produced by ABC-5 News and Current Affairs.

 

Sa Nobyembre, dalawa na lang sa non-in house produced shows ang magpapatuloy para sa ikalawang season, ang Midnight DJ ni Paolo Contis tuwing Lunes at ang Lipgloss tuwing Sabado.

 

Sa meeting na ginawa noong isang linggo, ang mga producers lang ng dalawang shows ang sinabihan na may extension na ibibigay sa kanila. Ang Midnight DJ at Lipgloss lang daw ang consistent na nagkakaroon ng audience at tumataas ang ratings kahit paano.

 

Tig-walong episodes lang muna ang binigay na extension para sa dalawang shows at depende sa kalalabasan ng unang full season nito, baka ibigay ang kabuuan sa bandang huli.

 

May problema lang sa Midnight DJ dahil hindi na puwedeng magpatuloy pa si Paolo sa extension nito at nangako ang bagong GMA exclusive artist na isang season lang ang gagawin niya. Pinagiisipan pa ng producer kung ibibigay ang bidang role kay Desiree del Valle na original nang nasa show bilang producer ng character ni Paolo who plays the midnight DJ or palitan siya ni Baron Geisler.

 

Magdadagdag naman ng mga bagong characters ang Lipgloss. Ang iba ay napunuan na tulad ni Joross Gamboa na gaganap bilang kaaway ng mga lalaking bida na sina Rodjun Cruz at Mikee Lee. Ang ibang characters naman na isusulat pa lang, maghahanap ang producer ng Lipgloss na bagong mukha tulad ng pinakabida sa show na sina Kevin Lapena, Maxene Eigenmann, at Saab Magalona.