Behind the scenes of "Deal or No Deal"

Noel Orsal
Wednesday, October 15, 2008 @ 04:34PM  |  9820 views

PEP was able to watch (from left) KC Concepcion, Lorna Tolentino, and Lea Salonga play in Kris Aquino's game show Deal or No Deal. Their episodes will be shown starting tonight, October 15, on ABS-CBN.
Photo By: Noel Orsal














Mapalad na naimbitahan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Deal or No Deal na siyang ipapalabas sa susunod na mga araw sa ABS-CBN. Ang game show na ito, hosted by Kris Aquino, ay magkakaroon ng celebrity players sa katauhan nina KC Concepcion, Lorna Tolentino, at Lea Salonga. Pati na rin ang Ateneo Blue Eagles basketball player na si Jai Reyes ay maglalaro rin sa naturang palabas.

Unang mapapanood ang episode ni KC Concepcion ngayong gabi, October 15, bago ang TV Patrol World. Ang episode naman ni Lorna Tolentino ay mapapanood sa Biyernes, October 17, samantalang ang kay Lea naman ay naka-schedule na umere sa Lunes, October 20. Si Jai naman ay mapapanood sa Martes, October 21.

LEA SALONGA. Pagpasok namin sa Studio 4 ng ABS-CBN ay nakita na namin si Lea Salonga na naghihintay na lang ng cue para makapasok at magsimula na ng laro. Kaya naman sinamantala na namin ang pagkakataon na makapuwesto na sa itaas katabi ng mga cameraman.

Nang makapuwesto na kami ay tinawag na itong si Lea ni Kris Aquino na nakasuot ng kulay pulang dress na gawa ni Pepsi Herrera. Kulay itim na t-shirt naman ang suot ni Lea na may nakasulat na "I Can Serve" na ang ibig sabihin ay I Can Serve For Women With Breast Cancer, ang grupo na pinili niya na maging beneficiary kung sakaling manalo siya.

Pag akyat sa stage ay mixed emotions ang naramdaman ni Lea, kinakabahan daw kasi siya, iba raw pala ang pakiramdam kapag ikaw yung nakasalang at naglalaro mas nakakaba pa raw kapag nanonood ka lang sa TV.

Pinili niya ang brief case number na espesyal para sa kanya ang numero. Hudyat na ito ng pagsisimula kaya sa una ay pinapili siya ng limang briefcase at sa pagbubukas ng limang kahon ay maganda ang naging resulta, kaya naman naging maganda rin ang offer ni Banker. Pinapili ulit siya.

Kapag naman tuwing nakakakuha ito ng mababang laman ay napapasayaw sa tuwa itong kapatid ni Gerard Salonga, kapag naman mataas ang laman ng kahon ay nagiging malungkot ang mukha nito at sabay nakikiusap sa Banker na huwag babaan ang kanyang offer.

Pagdating sa kalagitnaan ay pinalabas na ni Kris Aquino ang pamilya at mga kaibigan ni Lea para makatulong nito sa pagpili ng brief case, siyempre kasama dito ang kanyang inang si Ligaya Salonga at ang kapatid na si Gerard, Bituin Escalante, at iba pang mga kaibigan gaya nina Bettina Osmena, Shiela, Bea, Alice, Corcor, at Pinky.

Habang tumatagal ay nagiging maganda ang laban kaya masaya ang mga tao, pinapili na rin ang mga kapamilya at kaibigan ni Lea at naging maganda naman ang napili nila. Pasensiya na pero hindi namin puwedeng sabihin kung magkano ang nakuha ni Lea dahil kailangan munang maipalabas ito sa Monday next week.

JAI REYES. After maglaro ni Lea, sumunod namang nag-taping itong si Jai Reyes, basketball player ng Ateneo Blue Eagles, ang mga nag-champion sa UAAP at tinalo ang Green Archers ng La Salle. Nakasuot si Jai ng jacket ng Ateneo, samantalang si Kris Aquino naman ay nagsuot din ng blue color na dress na gawa rin ni Pepsi Herrera.

Napansin din namin na sa tuwing mag-uumpisa ang bawat episode ay may ritual na ginagawa si Kris ang itaas ang dalawang kamay nito ay sabay na pipikit at parang pinapipitik ang kanyang dalawang daliri sa magkabilang kamay.

Pumili na si Jai ng kanyang briefcase pero bago pa man umalis ang isa sa mga 26K Girls na may hawak ng briefcase ay humihiling ang mga tao sa audience ng kiss daw. Ang sagot ni Jai ay hindi pwede dahil sa may asawa na raw siya. In fact, kakakasal lang daw niya last year at may baby na raw sila ng kanyang asawa.

Tuloy na ang laro at naging masaya ang bawat pagpili nito sa mga briefcase lalo na kung mababa ang laman ng mga ito, siyempre lagi silang nakiki-usap kay Banker na lakihan ang offer sa bawat pagtawag niya sa telepono.

Katulong ni Jai ang kanyang teammates sa pagpili ng mga briefcase at naging masaya pa ito sa tuwing mababa ang napipili nila, isa pa sa nagpapasaya ay kapag napipili nila si Charmel isa sa mga 26K Girls, kaya naman sa tuwing natatawag ang pangalan nito ay nagsisigawan ang mga kalalakihan, feeling tuloy ni Charmel ay ang haba ng buhok nito.

Sa pagtatapos ng episode ni Jai ay sinabi ni Kris na gusto rin niyang imbitahan ang La Salle Green Archer team para malaman kung sino ang mas masuwerte sa dalawang team. Mapapanood ang episode ni Jai sa Martes, October 21.

1  2  Next »


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name