Nominees for Best Drama Actress, from left: Sunshine Dizon (Impostora), Judy Ann Santos (Ysabella), Dina Bonnevie (Babangon Ako't Dudurugin Kita), and Angel Locsin (Lobo).   Nominees for Best Drama Actor, from left: Sam Milby (Maging Sino Ka Man, Book 2), Piolo Pascual (Lobo), John Lloyd Cruz (Maging Sino Ka Man, Part 2), and Robin Padilla (Joaquin Bordado). Photo: File photos

Pagkatapos maitanghal ng Philippine Movie Press Club (PMPC), Inc. ang kanilang 24th Star Awards for Movies nung June 27, 2008, ang 22nd Star Awards for Television naman ang pinaghahandaan ng nasabing press club.

Pagkalipas ng halos dalawang buwang pagre-review ng best TV shows and performances ng nakaraang taon, pormal nang inihayag ng voting members ng PMPC ang mga nominado para sa darating na 22nd PMPC Star Awards for Television.

Para sa taong ito, napili ng PMPC si Ms. Rosa Rosal bilang recipient ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award, at si Senator Loren Legarda naman ang gagawaran ng Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award.

As of press time ay inaayos pa ang mga detalye para sa Gabi ng Parangal na malamang ganapin by late November. Samantala, narito ang official nominees ng 22nd PMPC Star Awards for Television:

Para sa Best Single Performance by an Actress category, lahat ng nominado ay mula sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN. Sila ay sina Gloria Romero ("Singsing" episode), Susan Roces ("Basura"), Helen Gamboa ("Mesa"), Cherry Pie Picache ("Tren"), Shaina Magdayao ("Telebisyon"), at Angel Locsin ("Pilat"). Ang mga beteranang aktres na sina Gloria Romero at Susan Roces ay ngayon lang magkakalaban sa isang TV award-giving body.

Para sa Best Single Performance by an Actor (na ang mga nominado ay galing muli sa MMK), nagpakitang gilas sa larangan ng pagganap ang dalawa pa ring veteran actors ng Pelikulang Pilipino na sina Dolphy ("Bisikleta" episode) at Eddie Garcia ("Singsing").  Makakalaban nila ang higit na mas bata sa kanilang sina Gary Valenciano ("Bag"), John Wayne Sace ("Mesa"), Gabby Concepcion ("Taxi"), at ang batang si Joshua Dionisio ("Sako").

For Best Drama Actress, magtutunggali sina Dina Bonnevie (Babangon Ako't Dudurugin Kita), Judy Ann Santos (Ysabella), Sunshine Dizon (Impostora), Angel Locsin (Lobo), Lovi Poe (Sine Novela Presents: Kaputol Ng Isang Awit), at Coney Reyes (Ysabella).

Best Drama Actor nominees naman sina Mark Anthony Fernandez (Impostora),  Piolo Pascual (Lobo), John Lloyd Cruz (Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik), Tirso Cruz III (Sine Novela Presents: Kaputol ng Isang Awit), Ryan Eigenmann (Lobo), Sam Milby (Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik), at Robin Padilla (Joaquin Bordado).

Best Drama Anthology nominees ang Maalaala Mo Kaya at Your Song ng ABS-CBN and Magpakailanman at Maynila  ng GMA-7.

For Best Primetime TV Series, pasok sa panlasa ng PMPC ang dalawang Kapamilya shows na Lobo at Ysabella, samantalang tatlo naman ang Kapuso shows: ang  Impostora, La Vendetta, at Joaquin Bordado

Kahit noon pa ay may rule sa PMPC na hindi puwedeng i-nominate ang anumang show (and its performances) na halaw o franchise ng anumang imported TV show, tulad ng Marimar.

Nominees naman bilang Best Daytime Drama Series ang Prinsesa Ng Banyera ng ABS-CBN at tatlong Sine Novela presentations ng GMA: Kaputol ng Isang Awit, Maging Akin Ka Lamang, at My Only Love.

Sa larangan ng Comedy in Philippine television, napansin ng PMPC ang mga sumusunod na Best Comedy Actress nominees: Pokwang (That's My Doc), Ai Ai Delas Alas (Komiks Presents: Volta), Rufa Mae Quinto (Bubble Gang), Susan Roces (John En Shirley), Sharlene San Pedro (Goin' Bulilit),  Nova Villa (That's My Doc), at Maricel Soriano (John En Shirley).

For Best Comedy Actor, maglalaban-laban ang mga batikang komedyanteng sina  Michael V (Bubble Gang), Ogie Alcasid (Bubble Gang), Joey De Leon (Nuts Entertainment), Roderick Paulate (That's My Doc), Vic Sotto (Ful Haus), at Redford White (Kokey).

Best Comedy Show nominees naman ang Ful Haus ng GMA-7, at John En Shirley and That's My Doc ng ABS-CBN, samantalang Best Gag Show contenders ang Bubble Gang at Nuts Entertainment ng Siyete, at ang Goin' Bulilit ng Dos.