Kim Atienza, buried alive in "Matanglawin"

Saturday, November 01, 2008 @ 01:39PM  |  10513 views

Kim Atienza tests himself once again by agreeing to be placed inside a coffin and buried alive in the November 2 episode of Matanglawin.
Photo By: Courtesy of ABS-CBN














Ano nga ba ang nangyayari kapag namamatay na ang tao? Ano ang pakiramdam na ilibing sa kabaong at ibaon sa lupa? Para mahaanp ang mga kasagutan, susubukan ni Kim Atienza na magpabaon ng buhay sa November 2 episode ng Matanglawin.

Totoo ba ang multo? Sa isang haunted house kasama ang mga spirit questors, aalamin ni Kuya Kim kung totoo ang mga kwento-kwentong bumabalot sa isang lumang bahay na diumano'y may nagpapakitang multo. Kung ito'y totoo, matahimik na kaya ang mga kaluluwang naninirahan sa lumang bahay na ito?

May katotohanan ba ang mga urban legend? Ano ba ang hiwaga ng salamin? Totoo nga bang pagsapit ng alas dose ng gabi, kapag tumapat ka sa salamin makikita mo ang iyong mapapangasawa?

Ipaliliwanag ng mga eksperto kung may katotohanan na may white lady na sumasakay sa isang jeep at ang isang kantang di umano'y lahat ng nakakarinig ay nagpapakamatay.

Mundo ng kababalaghan at katatakutan, hiwaga at kamatayan ay papasukin ni Kuya Kim Atienza ngayong Linggo (November 2) sa Matanglawin bago ang ASAP ‘08 sa ABS-CBN.

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name