Parañaque shootout investigated in "Kalye"

Monday, December 15, 2008 @ 09:58AM  |  3842 views

Tonight's episode of Kalye: Mga Kwento ng Lansangan will tackle a shooting incident in Parañaque City this December, the shoe industry of Marikina, and the possible rehabilitation of the Pasig River.














Buhay na kinuha at buhay na ibabalik ang tampok ngayong Lunes ng gabi sa Kalye: Mga Kuwento ng Lansangan.

Mapapadpad sa bandang Parañaque si Sol Aragones upang busisiin ang kontrobersiya sa naganap na shooutout dito kamakailan lang. Limang sibilyan ang aksidenteng napatay sa gitna ng barilan sa pagitan ng mga pulis at ng Waray-Waray gang. Labing-anim na katao--kabilang ang isang pitong taong-gulang na batang babae--diumano ang napatay ng mga miyembro ng Special Action Force. Naganap ito sa United Parañaque Subdivision IV sa Sucat noong ika-5 ng Disyembre.

Tanging ang kalye ang saksi, kung sinong kampo ang kumitil sa buhay ng mga kawawang nadamay, kabilang ang mag-amang Alfonso at Lia De Vera. Hahanapin ni Sol ang mga bakas ng kasagutan mula sa lansangan.

Sa EDSA naman, punong-puno at siksikan ang mga daanan habang nakatiwangwang ang tahimik ngunit kasulasulasok na Ilog Pasig. Sisinghapin ni Atom Araullo kung may pag-asa pang pasiglahin at mapakinabangan ang naturingang pinakamahabang waterway sa bansa.

Sa kabilang dako, pa-Marikina naman si Anthony Taberna upang kamustahin ang naghihingalong industriya ng sapatos dito. Ilang pabrika na ang magsara dahil sa mga nagsulputang sapatos na gawa sa Tsina.

Aalamin ni Anthony kung saan na ba papunta ang sapatos na gawang Marikina at kung anong dapat gawin para hindi ito tuluyang mapudpod sa alalala.

Gumala kasama nina Anthony Taberna, Sol Aragones, at Atom Araullo para sa isang makabuluhang pag-pasyal sa Kalye, Lunes ng gabi sa ABS-CBN, pagkatapos ng Bandila

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name