The stars of Lipgloss will welcome three new characters—Ejay Falcon, Niña Jose, and EB Babe Lian Paz—in the thrid season of the TV5 teen-oriented show. Photo: Courtesy of TV5


Lipgloss
gets new additional cast members for its third season and this time, dalawang Pinoy Big Brother alumni and isang Kapuso talent ang isasama sa teen-oriented show.

Sa Sabado, February 14, magsisimula ang third season ng nag-iisang teen show ng TV5, ang Lipgloss. Ito ang unang nabigyan ng third season ng bagong reformat na network at ilang commercials na rin ang papasok sa show sabay ng panibagong 13-week run.

Sa original cast, nagpaalam na si Miki Hahn na lumalabas bilang Stephanie dahil sa request niya na rin para makapag-concentrate sa pag-aaral. Graduating na kasi ang dalaga at kailangan niya ng mas maraming oras para sa kaniyang mga subjects.

Natapos na rin ang one season appearance ni Princess Ryan na gumanap na Sarah pati na rin ang four-episode guest appearance ni Matt Evans bilang si Nikko.

Sa unang episode sa third season, tatlong bagong mukha agad ang magkakasabay na papasok.

Una na rito ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus winner na si EJ Falcon na gaganap na Santi, ang PA (personal assistant) ng character ni Matt. Tatakbo pa rin ang love story nina Saab Magalona at Matt bilang Meg at Nikko nguni't mananatiling pangalan na lang sa kuwento si Nikko dahil nangibang bansa ito. Ang magiging tulay nila ay si Santi.

Ito ang unang magiging regular show ni Ejay pagkatapos niyang manalo sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus pero may ginagawa naman siya sa ABS-CBN, ang hindi pa naipalalabas na Humiling Ka Sa Langit soap opera ni Judy Ann Santos.

Ikalawang papasok ay ang Pinoy Big Brother Teen Edition Season 1 housemate na si Niña Jose bilang si Camille. Siya ang bagong magiging ka-triangle nina Rodjun Cruz at Maxine Eigenmann na gumaganap na Jake at Abby. Isang season ang itatakbo ng character niya. Dalawa ang bagong shows ni Nina sa ABS-CBN nguni't pinayagan siya ng management dahil Linggo lang naman ang taping ng Lipgloss.

Ang ikatlong papasok bilang ka-triangle nina Christian Vasquez at Mary Grace Perido na sina Aldrich at Louise ay isang Kapuso, si EB Babe Lian Paz, ang fiancée ni Paolo Contis. Siya si Rose na magiging matandang kapatid ni Camille at dating girlfriend ni Aldrich na nagbabalik. Miyembro si Lian ng EB Babe group ng Eat Bulaga ng GMA-7 nguni't hindi naman ito nakatali sa Kapuso Network kung di sa TAPE na nagpu-produce ng nasabing noontime show.

Matatandaang si Paolo ang nagbida sa unang season ng Midnight DJ bago ito napapirma ng GMA-7 ng isang exclusive network contract kung kaya't kailangan niyang palitan ni Oyo Sotto. Sa pag-alis ni Paolo sa TV5, ang kanyang fiancée naman ang pumasok.

Noong Sabado, ika-7 ng Pebrero, pinakilala na rin sina Ejay Falcon, Niña Jose, at Lian Paz sa fans ng Lipgloss na nagpunta sa mall show sa SM South Mall.