Exciting at full of love ang special birthday episode ni Ryan Agoncillo sa Talentadong Pinoy ngayong Sabado ng gabi, April 18, na mapapanood sa TV5 sa ganap na 6 ng gabi. Special talent scout guest ni Ryan ang fiancée na si Judy Ann Santos. Sweet na sweet sina Ryan at Juday sa episode na ito kung saan ipinakita pang nagsusubuan ng cake ang dalawa. Maging ang jury ay kinabibilangan ng mga malalapit na kaibigan ni Ryan.
Bukod sa pagmamahal ni Juday, source of happiness din ni Ryan ngayon ang magandang ratings na nakukuha ng show niyang Talentadong Pinoy—patunay lang na marami ang nanonood sa talent show na ito.
Maging ang TV5 ay masayang-masaya rin dahil pataas na nang pataas ang ratings ng Talentadong Pinoy at lumalaban na talaga ito sa mga katapat na ABS-CBN and GMA shows in terms of double-digit ratings. Sabi nga, with Talentadong Pinoy's double digit ratings, 3-way game na ang Saturday primetime TV.
Sa overnight household ratings released by AGB Nielsen Media Research's MEGATAM (Mega Manila Television Audience Measurement) makikita na ang Talentadong Pinoy ay nakakuha ng 14.9% rating last April 4 against GMA-7's Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? (19.3%) and ABS-CBN's The Singing Bee (15.2%). Better news though in terms of individuals' audience share because it shows that despite a slightly lesser number of households, more people within the households are watching Talentadong Pinoy as it has a higher individuals' share at 27% than The Singing Bee at 23.5%.
Kaya naman talagang tuwang-tuwa ang pamunuan ng TV5 sa resultang ito. Narito ang mensahe ni Mr. Jasper Evangelista, TV5's SVP for brand management, na ipinadala sa PEP (Philippine Entertainment Portal) through e-mail: "The TV5 team is extremely pleased with the Talentadong Pinoy ratings. We are very proud of this achievement. We would like to recognize and thank our viewers for the support. Thank you very much for the trust you have given us. Rest assured that TV5 will come out with more quality shows like Talentadong Pinoy to provide the viewers more exciting choices on TV."
Ipinapangako naman ng TV5 na patuloy nilang pagagandahin ang Talentadong Pinoy at maging ang iba pa nilang mga shows upang mas makapaghatid ng kasiyahan sa mga masugid na manonood ng TV5.
Kasalukuyang napapanood ang Talentadong Pinoy tuwing Sabado sa ganap na 6:00 pm sa TV5.






basta watch na lang ako ng george and cecil soon!
gogo ryan and juday!
can't wait for george and cecil!
kung talagang lumalaban ang TP,bakit mega manila na lang ba ang labanan nagaun?
eh kung nutam kaya, may laban pa ito?
hehehe.
kung talagang pinapanuod yang TP nio, eh di dapat puno narin ng mga TP fans na comments ang article na ito!