Makikitang muli sa telebisyon si Lorna Tolentino sa pamamagitan ng drama anthology show ng ABS-CBN, ang Maalaala Mo Kaya.
Habang hinihintay ng lahat ang kanyang paglabas sa teleseryeng pagbibidahan nila nina Gabby Concepcion and John Estrada, isang emotionally and physically battered character ang gagampanan ng tinaguriang "Grandslam Queen" ngayong Sabado, April 18.
Labis na natutuwa si LT sa kanyang pagganap bilang isang ina na pinipilit na panatilihing buo ang kanyang pamilya sa kabila ng mga matitinding pagsubok na dumarating sa kanila. Sa pagbagsak ng haligi ng kanilang tahanan na si Jaime (na ginagampanan ni Albert Martinez), ang ilaw ng tahanan na si Miriam (ang papel nagagampanan ni Lorna) ang siyang magsisilbing tagapagligtas ng pamilya laban sa pagkakawatak-watak.
Sa direksyon ni Nuel Naval, siguradong mapapatutok na naman tayong lahat sa natatanging episode na ito ng MMK.
Hosted by Charo Santos-Concio, ang Maalaala Mo Kaya ay pinapalabas sa ABS-CBN pagkatapos ng The Singing Bee.





3 beses ako umiyak ng todo mas marami pa kung wala sa likod ko si nanay na ayaw ding umiyak, hahaha!: una nung asa bedside sya ng anak nyang muntik nang mamatay dahil sa droga, pangalawa nung naglilitanya ung anak nya after himalang mabuhay sa bingit ng kamatayan saying na vision ng tatay nyang ayaw syang pasukuin sa laban hanggat di raw nache-checkmate ang kalaban ang naginspire sa kanyang 'gumising' at mabuhay, pangatlo ung closing remarks ni ate charo honoring the sacrifices of mothers to keep their family intact...
ke ganda rin ng direkting, pakiwari ko ba sa texture eh short film...kudos to the director too!
bilib ako sa strength ng character ni LT...it would make you appreciate your mother more...mor
Another best saturday night viewing with the exceptionally excellent
Lorna Tolentino..
bagay na bagay
Sulit ang gabi pag si LT nasa MMK.
Sigurado panalo na naman ang MMK ni idol LT.
Di ko ot palalampasin.
MAPAPANUOD KO NA ANG IDOL KO.at sa MMK pa!!
aabangan ko ito!
tulo sipon na naman ako nito...!!
congrats LT
ur the woman!!!
PROUD TO BE A LORNANIANS FOREVER. Regards daw sabi ni Mother Oliv2068!