Angel Locsin shared anecdotes about her co-stars Sam Milby (right) and Diether Ocampo (left) while they shot Only You in South Korea. Photo: Courtesy of ABS-CBN

Fans of Angel Locsin won't have to wait long to see her again on television. Her new teleserye Only You is scheduled to air on ABS-CBN starting this Monday, April 27, 2009. It will replace the primetime TV series I Love Betty La Fea. Angel will be paired with Sam Milby and Diether Ocampo in this local version of the Koreanovela Only You.

Aside from these three stars, the show also includes Tirso Cruz III, Dimples Romana, Bing Pimentel, Irma Adlawan, Iya Villania, Candy Pangilinan, Disk Israel, and Al Tantay under the direction of Rory Quintos.

ABS-CBN provided PEP (Philippine Entertainment Portal) with a transcription of an interview with Angel immediately after their shooting in Korea, where they shot key scenes of the teleserye.

 

Question: Kumusta working relationship with your leading men? Unahin na natin si Sam.

 

Angel: "Si Sam nakatrabaho ko na siya sa MMK [Maalaala Mo Kaya] so kahit papano alam ko na kung paano siya magwork, kung paano yung ugali niya kasi after nun naguusap-usap kami. Pero dito napatunayan ko as in genuinely nice siya talaga. As in walang halong kaplastikan yung pagiging nice niya. Kaya ko nga laging nasasabing kaya little boy baka mamisinterpret ng iba. Kasi si Sam medyo nagtampo yata sa akin nung sinabihan ko siyang little boy. Pero ang ibig sabihin ko nun napakatotoo ng mga kilos niya, real, napakafresh ng kilos niya pag mag-aalok siya ng food, pag aalukin niya yung mga gadgets niya, napakatotoo talaga. Ang cute tignan. Pag sinabi kong little boy yun ang ibig ko sabihin hindi dahil immature siya, hindi ganon. Wala kong nakitang ganon. Actually si Sam very responsible."

 

Question: Inalagaan ka naman niya habang nasa Korea kayo?

 

Angel: "Oo naman. Actually wala kaming choice kundi mag-alaga sa isa't-isa. Yun, kaya nakakatuwa rin na meron kaming shoot sa Korea kasi bonding talaga kami, eh.

"Meron pa ngang isang beses si Iya [Villania] lumabas kami nakawig kami. Buong araw talagang pinanindigan namin. Nakawig kami kahit hiyang-hiya na kami. Kasi siyempre wala namang masyadong Pilipino sa Korea. So tara, mag-wig tayo, wala namang makakakilala sa atin. Sakto nung araw na yun, ang dami-daming Filipinos talaga. Nahiya nga kami ni Iya kasi baka sabihin nagwig kami para hindi kami makilala, pero trip-trip lang talaga yun. Pinag-usapan talaga namin gabi pa lang. Binili namin yung wig dun. Siguro as in morning palang hanggang gabi. Ako may bangs. May picture si Diet. Si Iya naman short hair. Ang cute parang anime."

 

Question: Si Diet [inalagaan ka ba]?

 

Angel: "Nung una siyempre medyo awkward ako kay Diet kasi medyo senior kong artista, eh. Baka hindi ko ito mahirit-hiritan. Kasi si Sam nabibiro ko kasi isang taon lang naman gap namin saka naktrabaho ko na rin naman siya. Pero yun, narealize ko na ang bait pala nitong tao. Pwede siyang magloko, pero napakaresponsible din, alam mong napakatalinong tao pag kausap mo alam mong marami kang matutunan sa kanya.

"As in maloko din siya minsan. Kasi one time may shoot kami sa Myundong, eh market yun eh so andami talagang tao na dumadaan. Eh challenge sa amin kasi kung ito yung camera nandito kami, punong puno ng tao sa likod namin, kailangan makita kami ng camera. So ginawa namin ni Diet tumayo kami tapos nagsayaw kami na as in nagwawala kami  para lumayo sa amin yung tao, para magkaroon kami ng space. Eh nagkataon puro grupo pala ng Pilipino yung dumaan sa harap namin tapos bigla silang nagpapicture! So kami ni Diet hiyang-hiya kami. Sabi namin, 'Ay naku, nakita tayo ng mga tao na nagwawala tayo baka isipin ganito talaga tayo.' Pero wala ginagawa lang namin trabaho namin. Wala talagang maarte so masaya."      

 

 

Question: Sa Korea shinoot yung love scene niyo ni Sam right?

 

Angel: "Awkward kasi di ba nasanay kami na kapag gagawa ng love scene medyo patapos na yung storya, eh ito umpisa pa lang meron na," describes Angel. "So kami ni sam dinadaan na lang namin sa biro kasi ang lamig-lamig pa nung time na yun tapos nakacomforter lang kami. Buti na lang ito alam namin na nagwowowork lang kaming dalawa so tinanggal namin yung ilang factor pero meron pa ring kaunti talaga eh, di mo maaalis. Ako ha, di ako makakapgsalita for Sam, pero ako tinatry ko magpaka-pro talaga dun." 

 

 

Question: Mas nakatulong yung place sa chemistry niyo ni Sam?

 

Angel: "Sa lahat. Hindi lang yung mga kilig-kilig. Lahat pati yung mga linya ko na ‘Ang ganda-ganda naman dito!' hindi ko na kailangang i-fake na ang ganda-ganda. Nafi-feel ko talaga siya naaappreciate ko siya."     

 

 

Question: Super lamig daw sa Korea nung pagpunta niyo dun?

 

Angel: "Oo nga eh. Ayun so yung mga shorts namin hindi namin napakinabangan. Medyo sayang sa costumes, medyo kumambyo kami, nung nagstart yung shoot namin, wala yung stylist namin, hindi pa nakakaalis so alam mo yun, kami-kami na lang talaga. Buti na lang andun yung PD [production designer] namin, yung staff all around sila. Nagawan na lang namin ng paraan.

 

"Nakakatuwa talaga yung eksena natin sa tren, imagine mo yung MRT natin dito i-times three mo yung mahabang hagdanan dun saka very steep at hawak namin yung mga century stand [a piece of film equipment], yung mga sand bag...Si Sam bitbit yung box ng camera, kable, ganyan. Nakakatuwa. In fairness ang galing ko magkable. Nagawa ko yun siguro, nagbaklas kami mga 10 minutes lang." 


Question: Tinuor n'yo daw buong Korea?

 

Angel: "Halos. Nagpunta pa kami sa mga probi-probinsya, yung Nami Island, nagferry ride pa kami. Ang ganda! Actually okay din na nakita namin na hindi pa talaga springtime dun. Parang nung medyo pauwi na kami dun na nagiiba na, nagiispring na talaga, nagbloom na yung cherry blossoms. Nakakatuwa, ibang-iba talaga ang linis. Ang sarap pumorma!

 

"Naalala mo pa yung places Itaewon, Fortune, Nami saka isang Lake...Pero mas gusto ko yung Nami kasi medyo outdoorsy ako eh. Ang daming puno, pwede kang magbike. So kami ni Sam habang ginagawa namin yung eksena na nagba-bike kami, yun yung araw na medyo maluwag ako. In fairness naman sa araw na yun medyo maluwag ako. So nagba-bike kami. Medyo paikot-ikot lang kami ni Sam. Eh yung bike na yun yun yung dalawahan. Ako yung sa likod siya sa harap. So nagba-bike lang kami. 

 

Question: Very panglovers nga daw dun?

 

Angel: "Actually si Diet nagplaplano na siya na dadalhin dun si Rema [Ostwani, his girlfriend]. Bawat lugar, o itong lugar na ito pinagplaplanuhan na niya. Si Diet kasi mahilig yun sa surprises."