Regine Velasquez and Keempee de Leon (both in photo) will host the new talent search of GMA-7 titled Are You The Next Big Star? It will air its pilot episode on May 16, 2009 right after Pinoy Records. Photo: Elyas Isabelo Salanga

Sa May 16, uumpisahan na ng GMA Network ang pinakabago at pinakanaiibang superstar search na hihirang sa "next big name," ang Are You The Next Big Star?

To be hosted by Asia's Songbird Regine Velasquez at ng singer-actor-host na si Keempee de Leon, pagsasamahin ng Are You The Next Big Star ang mga magagaling na amateur at professional singers na nagnanais sumubok muli sa mundo ng pag-awit sa isang all-out singing competition.

Ayon sa production manager ng show na si Hazel Amonita, hindi lang mga amateur singers ang puwedeng sumali sa show kundi maging ang mga professional singers, basta't wala lang existing record deal o album na ni-release mula 2008 hanggang sa kasalukuyan. Ang maganda pa sa show ay hindi lang isang kampeon ang hinahanap, kundi dalawa—isang lalaki at babae.

"We are looking for the next big star who will sell albums. He or she must be able to bring in the crowd to Araneta [Coliseum] when he or she finally does his or her own concert. The next big star is the total package," banggit pa ni Ms. Hazel.

Ibinida rin ni Regine na impressed siya sa ilan sa 150 contenders ng show, "Marami sa kanila, mga bata pa talaga, as in 16, 17. They are very talented." Mula sa 10,000 applicants ay 150 ang mga napili at sasailalim sa matitinding tasks, workshops at weekly live performances na hahasa sa kanilang pagkanta, pop star power at over-all mass appeal.

Sasailalim din ang contestants sa masusing pangingilatis ng limang judges na magde-decide kung sino ang nararapat na magpatuloy sa contest at kung sino ang kailangan nang tanggalin sa competition. Ang limang judges ay binubuo nina musical director and arranger Mon Faustino, well-respected record producer/composer Danny Tan, vocal coach and singing group The Company founding member Annie Quintos, ‘90s pop icon Randy Santiago at ang Concert Queen na si Pops Fernandez.

Espesyal naman ang magiging role ni Keempee bilang hosts ng show. "Ako po yung kikilala nang husto sa mga contestants. Kikilalanin as in, very in-depth ang gagawin kong pagkilala sa kanila, pupuntahan ko ang bahay nila, kakausapin ko yung mga parents nila, kapatid, kaibigan...lahat. Ako yung magpapakilala nang husto sa viewers kung sino talaga sila, kung ano ang background ng bawat contestants."

Nang tanungin kung hindi ba siya nag-aalalang maging emotionally attached sa mga contestants dahil siya nga ang personal na kikilala sa bawat isa, sinabi ni Keempee na kailangan na lang niyang maging preparado kung saka-sakali.

"Yun nga yung pinag-uusapan namin ni Regine. Siguro kailangan ko lang maging prepared kapag gano'n. Siyempre malalaman ko yung mga sob stories nila... Ang kailangan ko rin lang sigurong gawin yung just listen to them, give them my own advise... Just be prepared lang siguro talaga," nawika na lang ni Keempee.

Magkakaroon din ng daily updates ang AYTNBS sa SIS, habang papalapit sa pagpili ng top 40 contestants. Tutulong din sa pagpili ng mga matitira sa show ang members of the jury na pipiliin mula sa mga kolehiyo tulad ng Ateneo de Manila, La Salle at U.P. Pagdating naman sa top 15 contestants, papasok na ang text voting hanggang sa mapili na ang male at female winners.


DIFFERENCE FROM PINOY IDOL. May nagtanong din kung bakit gumawa pa ng bagong talent show, gayong meron pa namang Pinoy Idol ang GMA-7. Bakit hindi lang second season ng PI ang ginawa? Ang assistant vice president for Magazine/Musical/Variety Shows na si Darling de Jesus ang sumagot ng tanong.
 
"We wanted to have a second season of Pinoy Idol and we wanted it to be more Pinoy. We negotiated with the owners but the trouble with a frachise, maraming limitation na hindi puwede. Hindi sila pumayag sa mga gusto naming gawin. So naisip namin, why not create our own show? Na puwede nating gawin o ipasok yung mga gusto natin na close sa culture of the Filipinos.

"We also take into consideration the idiosyncracies, yung culture ng Filipino, pagdating sa behavior natin na what we see would be interesting to our viewers."

Dagdag pa ni Ms. Hazel, "Sa franchise kasi, naka-box kami sa gusto nila. Whereas with our own show, ipapasok talaga natin yung kultura ng mga Pilipino, yung drama at mga bagay na interesting sa ating mga Pilipino. Ito talaga, kapag napanood mo, starting May 16, after Pinoy Records, talagang masasabi mong Pinoy siya."


Click HERE to view videos taken during the presscon.