guide

Dingdong Dantes brings joy to a resident of Child Haus

by Rose Garcia posted on June 30, 2009  STATS: 3205 Views | 12 Comments
Dingdong Dantes personally met with Cheycel Joy Calosor, a 13-year-old resident of Child Haus, during the June 28 episode of Showbiz Central. Photo By: Noel Orsal


Kakaibang segment ang inihandog ng Showbiz Central last Sunday, June 28, bilang bahagi pa rin ng kanilang ika-2nd year anniversary. Isang simpleng kahilingan ng batang maysakit na fan ni Dingdong Dantes ang pinasaya ng GMA-7 talk show. Ito ay si Cheycel Joy Calosor, 13 years old at pansamantalang nanunuluyan sa Child Haus.

Ayon kay Cheycel, nakakalimutan daw niyang may karamdaman ito kapag nakikita at napapanood na niya si Dingdong sa TV. Sinegundahan din ito ng ina ni Cheycel na ayon sa kuwento nito, manghihingi raw minsan ng pera sa Papa niya ang bata, pero sa halip na ipambili ng pagkain, magpapabili ito sa kaibigan ng mga bagong pictures ni Dingdong.

On Dingdong's part, bilang bahagi pa rin ng kanyang pagkakawanggawa, ilang beses na rin pumunta si Dingdong sa Center for Health Improvement and Life Development or Child Haus sa Quezon City .

Yun nga lang, sa pagkakataong nakakadalaw si Dingdong sa Child Haus ay umuuwi naman sa Mindoro ang kanyang tagahanga.

Ang wish ni Cheycel ay sana raw, makita niya at makausap ng personal si Dingdong. Wish din niya na sana raw, hindi na magbago ang actor dahil napakabait daw nito sa kanilang mga pasyente.

At live nga sa Showbiz Central, natupad ang kahilingan ng isa sa masugid na tagahanga ni Dingdong. Si Cheycel ay magse-celebrate ng kanyang birthday sa July 3. At nang tanungin ni Pia Guanio kung ano ang birthday wish nito, aniya, sana raw ay matulungan siya ni Dingdong sa kanyang pagpapagamot.

Sinalubong ng yakap ni Cheycel ang iniidolong si Dingdong at nang ibuko nga ni Pia na kanina pa raw sa make-up room, habang hinihintay ang time na makita na niya si Dingdong ay naiiyak na raw ito. Dahil dito ay hindi na nga napigilan ng bata ang maiyak sabay sabi na masaya siya.

Ayon kay Dingdong, "Masaya ko na nakita ko siya rito. The last time, siguro maraming kaming time na puwedeng magkita, but the past years na nagpupunta ko sa Child Haus, e, hindi nagkakataon. So, natutuwa ako and I'm very glad na nagkaroon ng opportunity ngayon.

"At nabigyan ng Showbiz Central kay Joy na magkita at magkakilala kami ng personal. Isang hindi malilimutang event ito para sa akin."

Tanong naman ni Pia kay Cheycel ay kung may gusto raw ba itong sabihin kay Dingdong now that, nakita, katabi at kausap na nga niya ito ng personal. Pero wala na ito halos masabi.

Si Dingdong ang nagsabing, "'Yun nga, e. Maganda na rin na nagkakilala kami. Sabihin na natin na alam ko, maraming taong tumutulong sa kanya. Pero sa akin, ang pinaka-importante talaga 'yong suportang nanggagaling bilang kaibigan. At talagang malaman niyang nandito ako, hindi lang sa panahon na ngayon, ngayong araw na ito kundi sa isang pang-mahabaang pagkakaibigan.

"At dahil doon, meron akong mga munting regalong inihanda para sa ‘yo. Simple lang naman, pero i-e-explain ko ang mga ibig sabihin ng bawat isa."

Ayon kay Dingdong, may nabalitaan daw kasi siyang naghahanap si Cheycel ng picture or poster na medyo malaki.

"Dati kasi, nagkaroon ng malaking picture sa SOP, humihingi ako, kaso, hindi na ako nabigyan. Napamigay na sa mga texters. So, sabi ko, this time, kailangang makahanap ako ng picture na mas malaki para sa ‘yo. Kaso, ang nakuha ko, mas malaki talaga. Hindi kayang ilagay sa wallet, so, siguro... ‘eto, babantayan ka nito madalas, depende kung saan mo ilalagay. Guguwardiyahan ka n'yan kung sa kuwarto mo," nakangiti pang sabi ni Dingdong.

Isang standee picture ni Dingdong ang una nitong ipinagkaloob sa maysakit na tagahanga.

‘Yun nga lang, hindi ‘yan nagsasalita. Nakatingin lang sa ‘yo, pero, hindi siya nagsasalita."

Kaya naman biro ni Pia, paano ‘yun, hahayaan ba nating maging pipi na lang si Dingdong Dantes?

"May isa pa kong nalaman tungkol sa ‘yo Joy...mahilig ka raw manood ng TV. At dahil nalaman ko yun, may isa pa kong regalo sa ‘yo. Dahil ‘yan ay isang litrato lang na nakatayo...ang gusto ko sana , makausap mo rin ako.

"Bibigyan kita ng direct line sa akin. At sinisiguro kong itong line na ito e, direktang makakarating sa akin. At sa pamamagitan n'yan, makakapag-usap tayo kung papaano ako makakatulong sa ‘yo sa kahit na anong paraan. Lalung-lalo na bilang sa isang kaibigang nandito sa ‘yo. Nandiyan na rin ang TV kasama d'yan. As long as may signal, makakapanood ka."

Maluha-luhang nagpasalamat nga si Cheycel kay Dingdong.

Aniya, "Thank you po Kuya Dingdong, sana po, hindi na po kayo magbago. At magtulong sa Child Haus, palagi n'yo po kaming pinupuntahan doon taun-taon."

Tanong naman ni Pia kay Dingdong ay kung ano naman daw ang hiling nito kay Cheycel?

"Kasi, masasabi nating ito, mga material na bagay lang ‘yan. Pero, ang mas mahalaga riyan, kung ano ang mangyari pagkatapos and in between nitong mga regalong ito. Ang hinihiling ko lang sa ‘yo, eh, tibayan mo ang loob mo sa lahat ng hinaharap mo.

"At nandito ako para sa ‘yo..."

Ayon nga kay Pia, ibang klase raw ang gift ni Dingdong, hindi lang one time kundi commitment na magiging kaibigan niya for as long as she wants.

"Ayos lang ‘yan. At siyempre, huwag niyang kakalimutang magdasal, the most powerful weapon," sabi naman ni Dingdong.

Then Dingdong asked Cheycel kung ano raw ang gusto nito paglaki?

Ang sagot ng dalagita ay, "Maging katulad n'yo po..."

"Ganoon ba? Kailangang isipin mo palagi na kakayanin mo ‘yan at lahat gagawin natin para marating mo ‘yan."


1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

12 Comments

  • 12  megamsg1

    07/01/2009 | 09:44 PM
    Bat kamukha nya si manny dyan sa pictorial na iyan parang katatapos lang kumain nang apol he he
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  yummyfruit

    07/01/2009 | 12:21 PM
    ang laking tulong yun sa bata psychologically. I read also in magz that he has scholars, galing. Very good advocacy Dong. Kung baga, your helping them for a lifetime if ever mag graduate, forever na din nilang dadalhin ang pasasalamat sa iyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  Ilovekapuso

    07/01/2009 | 11:38 AM
    ngayon ko lang nalaman na marami na rin palang mga organization na sinusuportahan si dong, hindi kasi siya ang tipo ng artista na kapag may ginawang charitable kailangan i-publish pa, siya talaga ang tunay na role model hindi lang gwapo napaka-good hearted pa. alam ko marami din siyang scholarship na tinutulongan keep up the good work dong, we love you so much!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • manangdi

    07/01/2009 | 09:06 AM
    napanuod ko to, gusto ko yong sinabi nya na hindi lang sa araw na yon nya maasahan si DD, as a friend he will be with her for the long haul. May mga artista din todo press release pa, once a year magpapakain sa mga bata, yon lang, although ok din yon, pero iba kapag committed ka. He is also sending kids to school. Good job DD, kaya let's suport him so he gets more movie, TV projects and endorsements so he can do more of this. Way to go Papa Cholo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iris002

    07/01/2009 | 12:45 AM
    ang bait ni Dong!!!
    pag patuloy mo Dong ha!!!
    mahalin mo rin si Yan!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • emma_rose

    07/01/2009 | 12:34 AM
    Bat kamukha ni manny pacquiao na naka ahit?

    palitan ang pic.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • DewPixie

    07/01/2009 | 12:00 AM
    Super papable na...good hearted pa...

    plus added bonus..may superhero gf pa...

    go go go DaddyDong!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jaykee

    06/30/2009 | 08:56 PM
    teary-eyed ako dun a :
    good work DDD, kahit na simple gesture or kaunting pansin lng happy na mga fans mo dun.
    I'm a huge fan since TGIS days and TG hindi ako nagkamali ng iniidolo 'til now. You have a good heart.

    As for Cheycel, sana humaba pa buhay niya. Kahit maysakit siya pero nayakap naman niya si Dong tapos may standee, direct line amp; TV pa. Happy for sure si Cheycel ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sylvester

    06/30/2009 | 07:52 PM
    awww how sweet! kakaiyak dong!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yummyfruit

    06/30/2009 | 07:03 PM
    Tama yan Dong, it makes life worth living.

    Kudos to you! More blessings to come.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • careermuna

    06/30/2009 | 06:12 PM
    gud!!sa lahat ng stars,..di lang basta sikat kayo,.gusto ng tao may silbi sa bayan at role model,..na nagyon palang gmagawa na kayo ng gud deeds sa kapwa at sa bansa,..para if tatakbo kayo sa pulitika,..wala silang masabi kase may nagagawa na kayo ,now palang,..gusto ng tao ,.may silbi ang stars di lang puro pagandahan jan,..godbless DD,..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • virus_scanned809

    06/30/2009 | 06:04 PM
    Bait talaga ni Kuya Dong. . . Sana wak kana magbago
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About