GMA-7 has issued a statement saying that Cool Center, the late-night show of Eugene Domingo and Anjo Yllana, will continue airing every Saturday night. Photo: Noel Orsal

May mga manunulat ng tabloid ang nagsabi na hindi na nagre-rate ang Cool Center, ang late-night show nina Eugene Domingo at Anjo Yllana na nagsimulang umere noong March 14, 2009. Naisulat rin na nagagalit pa ang GMA-7 President na si Felipe Gozon sa hindi magandang performance ng palabas, kung kaya't tatanggalin na raw ito sa ere ngunit pinabulaanan ito ng GMA-7 mismo.


Ito ang buong pahayag ng GMA Network tungkol sa naturang isyu (published in full):

"Walang katotohanan ang mga naglalabasang balita na mawawala na ang Saturday "radio talk show" program ng GMA-7 na Cool Center hosted by Anjo Yllana and Eugene Domingo.

"Sa katunayan, lalong dumarami ang mga masusugid nitong tagapanood at maging mga callers tuwing Sabado ng gabi. Bukod pa rito, nagre-rate ito kaya walang dahilan para tanggalin ito sa kaniyang timeslot. Nitong nakaraang Sabado, nagtala ito ng 10.3 Mega Manila rating at natalo nito ang katapat na programa.


"Patuloy pa rin sa paghatid ng walang patid na saya tuwing Sabado ang Cool Center pagkatapos ng Imbestigador, sa GMA-7."