Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay KC Concepcion a few months ago, mismong ang aktres ang nagkumpirma na nanliligaw nga sa kanya ang kaparehang si Piolo Pacual at ito ang kauna-unahang lalaki na nanligaw sa kanya in a traditional way.
Sa interview din ng PEP kay Gabby Concepcion during his mini-presscon for Dahil May Isang Ikaw, inamin ng aktor na ipinakilala na sa kanya si Piolo. Nagbiro pa nga raw si Gabby kay Piolo na okey lang na tawagin siya nitong Kuya, huwag lang Papa dahil si KC lang ang tumatawag sa kanya nito.
Sa interview ng PEP kay Piolo sa nakaraang presscon ng Kimmy Dora: Kambal na Kiyeme last August 20, consistent pa rin si Piolo sa pagsasabing huwag pag-usapan ang panliligaw niya kay KC lalo't patuloy pa rin daw ang pagdududa ng karamihan na for publicity gimmick lang daw ang sinasabi niyang nararamdaman para sa kapareha.
"KC and I are good friends but other than that ayoko na sigurong magsalita coz marami ang nagsasabi na puro on cam lang ang panliligaw ko. Ayokong mapagbintanagan na nanliligaw ako sa camera just to prove something. Iniiwasan ko muna ‘yun kasi nakakasakit din minsan. Ikaw ang natatanong pero ikaw pa ang masama."
Sa kabila ng pag-iwas na sagutin pa ni Piolo ang tungkol sa panliligaw niya sa aktres, kinumusta naman namin sa kanya ang pagmi-meet nila ni Gabby kung saan balitang pormal na raw siyang pinakilala ni KC sa ama.
"Cool nga, e, nakakatuwa. He makes things light for us, siyempre father ‘yun ni KC, nakaka-tense, nakaka-intimidate but he's very cool, napakabait niyang tao. He's very friendly, very accommodating, mawawala ang hiya mo. Kahit minsan ayaw mo nang magsalita dahil nahihiya ka, he will make you feel comfortable."
Kung noong una ang ina lang ni KC ang nagsasabing boto siya kay Piolo para sa panganay na anak, ngayon pati si Gabby ay bukas na rin sa pagsasabing gusto niya ang aktor para kay KC. Para kay Piolo, sisiguraduhin niyang di niya sisirain ang tiwalang ibinibigay sa kanya ng mga magulang ng aktres.
"Inaalagaan ko ‘yung tiwala na ‘yun, inaalagaan ko ‘yung trust na ibinibigay nila sa akin. Ayoko munang magsalita kasi baka mamaya things might be taken out of context and iba ang makarating sa kanila so alalay lang."
Agad din naming tinanong si Piolo na kaya raw natagalan na ipalabas ang Lovers in Paris ay dahil marami raw eksena ang ni-reshoot dahil wala raw chemistry sa kanila ng aktres.
"Di kami nag-reshoot. Marami lang dinagdag sa eksena, kinompress ‘yung soap para mas tight, para mas mabilis.
"Lovers in Paris is doing well. We're taping almost every other day, wala kaming pahinga. Direk Erik and the creative team are working really hard para mapaganda pa yung project. Na-launch kami sa trade launch and ipapalabas na siya on September. I'm excited for KC coz this is her first soap."
ON CLAUDINE BARRETTO. Sa interview din ng PEP at ng Cinema News kay Claudine Barretto ay inamin ng aktres na mayroon daw silang tampuhan ng aktor. Isang tampuhang naayos na kaya at bukas naman kaya si Piolo sa pakikipagbati?
"As far as I'm concerned, okay kami ni Clau, if
there's anything to setlle, I just want it between us. Bilang
magkaibigan, mas maganda na maaayos namin ‘yun off cam.
"I'm very much open sa
pag-aayos, kaibigan ko si Clau, wala namang problema dun."
Ang Manila ang unang film na co-produced ni Piolo at sumunod naman ang Kimmy Dora. Dahil dito, marami ang nagtatanong kung anong satisfaction ang nakukuha ni Piolo in producing films na di naibibigay sa kanya ng pagiging isang artista.
"Let's just say na okay na ako as an artist, masaya na ako, I'm fulfilled and achieved so much but after this you will tell to yourself, ‘hanggang saan ka? Until when is this is gonna happen?' Mas chinallenge ko ang sarili ko as a producer. When Manila came out, nakakatuwa because lahat ng pagod, hirap, pera, kasama na ang lahat, nawala nung napanood ko ‘yung buong pelikula, tapos sumunod pa itong Kimmy Dora. Sabi ko grabe, grabe ang blessings ito, all efforts, nakaka-encourage, nakaka-boost ng morale."






ang dami mu kasing niligawan nun evry time na may project ka,remember with joyce jimenez nun at ine point nag kiss pa kayo to probe na may namumuong relation sa inyo.
dahil may movie kayo.
Basta for me, i would like kc to not entertain much about the panliligaw,mag focus muna sya sa showbiz if that she like for now.kasi she is just starting in acting, mahirap na if she commit to piolo baka tsismis nya ang mag nangyayari sa kanila just to probe na talagang gentleman sya.kasi nga if he really a gentleman dapat di na nya ipagsigawan yong pagbibigay nya nang pabango kay kc, as independent girl like kc,di nya magugustuhan yon na pagsigawan yong gift sa kanya as in national television.Aywan kuba kay piolo na yan,puro naman press release kada may ginagawa kay kc,para sabihin ba na lalaki talaga sya? nakaka turn off naman yon sa isang babae na ganun puro report sa madla if my ibibgay.
Oh, by the way have you seen KC in person? how pleasant she is a person? I have, well, she is classy person and look sophisticated, hence, intimidating at times but I see the effort in her to reach out. Have you guys tried become a volunteer for an outreach program? Do you know how it feels how people, kids, come to you, talk to you especially if you are not used to that kind of environment or community where everyone wears cologne and perfume? KC is effortless and sincere in dealing with them, further, you don't get paid for doing that neither it will increase your talent fee and further it will neither give KC popularity bec. she is popular in her own rights. Okay, bitters, if you are supporting any of celebrity, go ahead no one will stop you from doing so, see the goodness in them. On the other hand, be objective about other peop
Now, tell me which do you prefer a guy who would jump with anyone in bed just to say he is a hunk? So many showbiz admired him bec. of his values and Piolo confident of his sexuality was never bothered of that issue.
I am a Sharonian, I've seen KC in person from the time she was 2 yrs. old and tagged along by her mom in every show, I've seen Sharon off cam and how she dealt with her entourage, her bodyguard, her make-up artist and I should say I am not surprised why Yaya Luring, her driver Nelson from driver now her bodyguard former nanny of Gabby stayed with her of so many years. They are all lo