Ang primetime series na naghahatid sa inyo
ng hilakbot gabi-gabi ay magwawakas na sa October 2, 2009.
Binalot ng sindak ng nag-iisang Diamong
Star na si Maricel Soriano kasama ang iba pang bituin ng Florinda
na sina Cherry Pie Picache, Nikki Gil, Roxanne Guinoo, Jay Manalo, William
Martinez, Carla Martinez, Aaron Junatas at Zanjoe Marudo. At sa pagtapak nito
sa huling linggo, isang kagimbal-gimbal na rebelasyon ang inyong matutunghayan.
Sa pagtatapos nito, susundan ni Florinda
(Maricel) si Criselda (Cherry Pie) kung saan daldalhin siya nito sa isang
secret door. Sa kanyang pagpasok, madidiskubre ni Florinda ang isang hindi
inaasahang rebelasyon. Makikita niya na buhay pala si Ramil (Jay Manalo)
na inakala niyang pumanaw na noon pa.
Anong gagawin ni Criselda ngayong nabunyag
na ang kanyang sikreto? Susuko ba ito o manlalaban pa? Itutuloy kaya ni
Florinda at Ramil ang kanilang naudlot na pagsasama?
Humanda na sa mga kasindak-sindak na mga
tagpo na mangyayari sa pagwawakas ng Florinda, sa Primetime Bida
ng ABS-CBN.
Maricel Soriano's Florinda will end on October 2
Related Articles
Diamond Star Maricel Soriano guests in Pilyang Kerubin July 11, 2010 03:34 AM
Maricel Soriano is the first featured artist in 5-Star Specials on TV5 March 12, 2010 03:28 AM
Maricel Soriano graces Diz Iz It! premiere telecast February 05, 2010 01:58 PM
Maricel Soriano explains delay of Florinda April 15, 2009 01:40 PM
Maricel Soriano on falling in love: "Mahal ko ang sarili ko ngayon." April 07, 2009 01:14 PM
23 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.
NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.




i umpisa plang...lol
sabi nga...hindi sya teleserye...SINEserye...lahat ng Susan Roces CINEMA Collection halos isang buwan...hindi kailangang pahabain ang istorya dahil galing sya sa isang palabas sa sine...
hindi kailangang pag laruan ang manunuod
Juiceko.. so ano ang tawag natin sa Survivor na pagkalaki laki ng gastos? Super flopgt; bwhhahaa!
nung una interesting.tapos mabilis nalaman ng tao ang mangyayari kaya magsasara na kasi konti na lang nanonood.
ANO NMN KAYA ANG ITATAPAT SA SP-PALAU ..Next please
im sure kung nag rate ito, sasabihin nila i=extend.
now they are saying short story lang daw? how pathetic. minsan naman aminin nyo na flop talaga ang teleserye nyo.
Naku si florenda papatayin na! nasa kwarto na si cherry pie bagong hasa pa naman yung knife.Takot ako!
kapag sineserye ibig sabihin na hndi magtatagal.and some people don't know that.tulad sa palimos ng pag ibig,maligno at patayin sa sindak si barbara.and some kapuso here are saying na one of the flop shows sa abs-cbn ay yun palimos ng pag ibig ni hndi nga alam na sineserye yun na hndi magtatagal.LOL