Jennica Garcia's character deals with her pregnancy in 3 Bachelors

Sunday, October 04, 2009 @ 12:03AM  |  3533 views

Will Emily (Jennica Garcia, second from left) leave Miguel (Mart Escudero, leftmost) or will she admit her delicate condition? Dear Friend's 3 Bachelors also stars Paulo Avelino (standing), Kyla and Jay-R. 
Photo By: Courtesy of GMA-7













Patuloy na nagiging kapanapanabik ang mga tagpo sa nangungunang drama anthology para sa mga kabataan tuwing Linggo, ang Dear Friend.

Sa pagpapatuloy ng Part Two ng 3 Bachelors episode, namuhay bilang mag-asawa sina Vince (Jay-R) at Sarah (Kyla) maging sina Emily (Jennica Garcia) at Miguel (Mart Escudero).


Isang araw ay nagdesisyong bumalik si Miguel sa bahay nila at ipinakilala si Emily na asawa niya. Hindi matanggap ni Don Vicente (Paulo Avelino) ang pagpapakasal ni Miguel kay Emily.

Samantala, sa pagkikitang muli nina Miguel at Sarah, hindi nila napigilang maihayag na mahal pa rin nila ang isa't isa. Napamahal na si Vince kay Sarah pero pinakawalan niya ito dahil alam niyang si Miguel pa rin ang gusto niya.

Nalaman ni Emily na hindi pa rin nalilimutan ni Miguel si Sarah kaya't nagdesisyon siyang umalis pero bago pa man makaalis ay malalaman niyang buntis siya kay Miguel.

Ipagtatapat kaya ni Emily ang kanyang kalagayan kay Miguel o tuluyan na lamang siyang aalis at ililihim ang kanyang pagbubuntis?

Huwag palampasin ang ikalawang part ng 3 Bachelors episode ng Dear Friend pagkatapos ng S.O.P. sa GMA-7.
1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name