BandaOke! Rock n Roll to Millions! will air its pilot episode this Sunday, October 25. Frencheska Farr, Geoff Taylor, and Jay Perillo will be co-hosts of Jaya and Allan K (in photo) in this new GMA-7 game show. Photo: GMA-7

 

Napaiyak sina Allan K at Jaya nang sabihin sa kanilang after almost eight years, at 400 episodes, kailangan na nilang papahingahin ang kanilang All Star K na napapanood every Sunday sa GMA-7.  Naintindihan daw nilang kailangan na rin ang panibagong musical game show, at ito na nga ang BandaOke! Rock n' Roll to Millions.

"Kami pa rin ni Jaya ang host, pero may mga bago na kaming makakasama," sabi ni Allan habang nagbi-break sila ng taping sa Studio 7 ng GMA Annex Building. Sila ang produkto ng Are You The Next Big Star? ang mga champions na sina Geoff Taylor at Frencheska Farr at finalist Jay Perillo.  Nagpa-audition din kami ng bubuo sa BandaOke! Band, sina Tim Mallilim, Ronweck Mercado, Michael Gemina, Ivan Espinosa at Lean Iñigo. Hindi sila galing sa isang banda, iba-ibang banda ang pinanggalingan nila at mahuhusay sila."

"Tiyak na magugustuhan ang bago naming musical game show," sabi ni Jaya.  "Medyo mahirap gawin dahil live ang banda na sasabayan ng mga contestants ng dalawang team of three members na maglalaban, kasama ang kanilang celebrity singing coach, kaya masaya ito."

Overwhelmed naman sina Frencheska, Geoff at Jay na may show agad sila.

"Kahit po naggi-guest na kami madalas ni Geoff sa ibang shows ng GMA-7 at sa SOP every Sunday, masayang-masaya po ako nang sabihing may regular show kaming makakasama sina Sir Allan at Ma'am Jaya," sabi ni Frencheska. "Ang bait-bait po nila sa amin kaya enjoy po kami sa trabaho namin."

"Hindi ko po in-expect na kami ang mapipili kasi alam naming mas maraming mahuhusay na singers sa GMA-7," nakangiting sabi ni Geoff.  "Maraming trabaho pero wala po akong reklamo.  Katatapos ko rin po kasing mag-record ng album ko sa GMA Records.  Pero hindi po ako nagpapaka-confident, patuloy pa rin ang voice lessons at nag-a-acting workshop ako.  Rak-rakan na ito!"

"Alam ko pong magkakaroon din ako ng show, pero hindi ko po in-expect na ngayon na agad," sabi naman ni Jay.  "Ang bait-bait po ni Sir Allan, nag-party na nga kami sa bahay niya bago nagsimula ang trabaho namin.  Ngayon ko pa po lamang makakasama si Ma'am Jaya sa taping.  Dami po akong trabaho, bukod po kasi sa bago naming show, nagsu-shooting din ako ng Berns & Umbay sa Viva Films with Aga Muhlach and Regine Velasquez, at may mga out-of-town shows din ako, pero wala po akong reklamo.  Di ko naman po ina-aspire na maging sikat na sikat, ang mahalaga sa akin, may regular show na tulad nitong BandaOke!"

One million pesos din ang jackpot prize ng BandaOke! Rock n' Roll To Millions! na mapapanood na simula sa Sunday, October 25, after ng Mel & Joey.