guide

Erich Gonzales on Enchong Dee: "He's the one closest to my heart."

by Melba Llanera posted on January 10, 2010  STATS: 8605 Views | 14 Comments
Erich Gonzales says that she did not undergo breast enhancement for her mature role in Katorse. For her next project, Tanging Yaman, the 19-year-old actress portrays a Presidential daughter named Fina. Photo By: Noel Orsal

Sa tagumpay na patuloy na tinatamasa ng Katorse, hindi kataka-taka kung may kasunod na kaagad na proyekto si Erich Gonzales bilang bida.  Ito ay ang Tanging Yaman to be aired this Monday, January 11, on ABS-CBN. Makakapareha niya dito muli ang mga co-stars niya sa Katorse na sina Enchong Dee at Ejay Falcon.

Sa nakaraang grand presscon ng Tanging Yaman, di itinago sa amin ng young actress na nakakaramdam siya ng pressure at sobrang kasiyahan sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng kanyang mother studio.


"Yung success ng Katorse di lang naman dahil sa akin 'yun, it's because of the whole Katorse team, ang buong cast namin, the staff, our director and 'yong creative team na siyang nag-iisip kung paano pa mas pagagandahin 'yong istorya.  May pressure oo, pero sa ngayon, I'm very thankful and blessed sa lahat ng magagandang nangyayari sa akin."

Si Erich ang gaganap na Fina Policarpio, ang tunay na anak ng Presidential family sa istorya. Ayon kay Erich, kahit medyo mature ang role niya sa Katorse as a young mom, wholesome naman ang character niya sa Tanging Yaman.


"Ako dito si Fina, palaban, astig na may pagka-kikay, simpleng tao lang naman siya.  Di talaga siya nagpapa-api at para sa pamilya niya, lahat gagawin niya. 


"Di naman ako nalilinya sa mga pa-sexy and daring roles like dito sa Tanging Yaman iba ang character ko. 'Yung pagpapa-sexy, depende naman 'yan sa story kung kailangan talaga. Dito, wala naman."


Klinaro din ni Erich ang issue na nagpalaki raw siya ng boobs na kapansin-pansin daw sa mga eksena niya sa Katorse.


"Di totoo 'yun, kung sinuman ang ngasasabi nun, sige nga, maglabas ng proof.  Malakas ang loob ko na magsabi ng ganun kasi di ko ginawa.  Although may mga nagsasabi sa akin na magpagawa na raw ako ng boobs, magparetoke naman raw ako, ayoko kasi it's a personal choice na wag na lang kasi happy ako kung ano ang mayroon ako at yun nga, kahit anuman 'yan, puwede namang gawan ng paraan."

RIFT WITH EJAY FALCON. Isa sa mainit na isyung pinag-usapan sa Katorse ay ang rift sa pagitan nila Erich at kaparehang si Ejay Falcon kung saan nagsalita daw ang huli na di sisikat si Erich kundi dahil sa kanya.  Ngayon ay magkasama na naman uli ang dalawa sa Tanging Yaman.


"Siyempre kailangang pairalin mo 'yung professionalism, it's work naman di ba? So walang personal talaga.  Kung anuman 'yung personal mong nararamdaman basta pagdating sa trabaho, kailangang isantabi mo 'yun." 

May kasabihan ang iba na ang lalaking pumapatol daw sa babae ay bakla. Naniniwala rin daw kaya si Erich sa ganitong belief nating mga Pinoy?


"Kanya-kanyang opinion 'yan, eh.  Sa akin kasi parang nakakapanibago lang, nakakagulat.  It's very strange na 'yung isang lalaki papatol sa babae dahil di naman talaga dapat ganun.  Kahit na ano pa ang nangyari, babae pa rin 'yon."

Sa tanong namin kung bukas ba siya sa pakikipag-ayos kay Ejay, heto ang sinagot sa amin ni Erich: "Basta hayaan na lang nating  ma-settle naming dalawa 'yun.  I know in time maaayos rin."

ERICH DEFENDS ENCHONG. Hindi naman kinaila ni Erich na sa lahat ng mga young actors ng ABS-CBN, si Echong Dee ang masasabi niyang pinakaespesyal para sa kanya.  Ang sweetness ba kanila ay pang publicity lamang lalo't pinu-push ang tambalan nilang dalawa? Ano naman ang reaksiyon ni Erich sa mga balitang patuloy na kinu-question ang gender preference ni Enchong?


"Hindi kasi kahit dati pa naman close na kami but I can say na because of Katorse and Tanging Yaman, mas naging close talaga kami, mas nakilala namin ang isa't-isa at masaya kami sa kung ano ang mayroon kami. He's the one closest to my heart and ine-enjoy namin 'yong friendship namin, we have a very solid friendship talaga.


"Kung mayroon mang tao na makakapagsabi kung ano ang totoo, siguro kasama ako dun dahil nga kasama ko siya halos everyday.  Napaka-gentleman niya, wala kong nakikitang kahit na ano sa kanya.  Sa mga nagsasabi ng ganyan, sana tigilan na kasi walang magandang naidudulot 'yan. Hindi 'yan totoo--he's not gay."

Pero paano raw kaya i-explain ni Erich ang lumabas na balita before na bakla ang tawag niya kay Enchong sa taping ng Katorse?


"Kami kasi sa Katorse, [madalas sabihin] 'Bakla, make up na,' kasi 'yong mga make up artists namin dun, karamihan ganun pero si Enchong, di ko siya tinawag na ganun, I call him Honey."


"It started nung may kinukunan kaming eksena sa Katorse, nakita ko siya na may mga kasamang mga babae, sabi ko,  'Honey, tara na.' After nung eksena na 'yon, honey na ang tawagan namin."

Sa Kapamilya Network, sina Kim Chiu, Melissa Ricks at Erich ang mga teen actresses na binibigyan ng malalaking proyekto ngayon at di maiiwasang maikumpara at magkaroon ng kumpetisyon sa pagitan nila.  Erich assured PEP na magkakaibigan silang tatlo at walang lugar ang salitang kompetisyon sa kanilang tatlo.


"Pinagtatatawanan lang namin 'yan, magkakaibigan talaga kami.  Mayroon nga kaming group, it's Chumgogobascho. Kinuha sa mga panagalan namin, si Kim, si Melissa, si Beauty [Gonzalez, former Pinoy Big Brother Teen Edition housemate], si Empress [Schuck], ako and Kit-Kat.  Kami-kami 'yon, lumalabas, nagdi-dinner, nagmo-movie."


Mapapanood na ang Tanging Yaman simula January 11, 2010. Ipapalabas ito pagkatapos ng Precious Hearts Romances sa ABS-CBN.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

14 Comments

  • 14  mixandmatch

    01/12/2010 | 02:26 AM
    yehhh..goodluck nalang erich at sa tanging yaman..

    nood nalang kayo tanging yaman para malaman niyo din kung san kayo mayaman hahahaa..
    ito lang mayaman pala kayo sa pagkabitter..cge lait pa kayo jan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  kris54_passionista

    01/11/2010 | 07:07 PM
    i love u dear erich. ang ganda mo sobra. good luck sa lahat ng shows mo. pinapanood ka namin lagi. congrats in advance dahil we are pretty sure raraket na naman sa rating ang tanging yaman mo. gusto ka kasi namin kaya inaabang-abangan namin kayo. at andito kami palagi to support you. sana me movie ka this year with enchong. GOD bless you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  brickles

    01/11/2010 | 04:32 PM
    1
    careermuna
    January 11, 2010
    01:07 AM

    ...umulit na naman n g casting sa tanging yaman,,sana man lang umiba ng casting,.sa dami ng stars jan..sus,,..abs cbn,....anjan sina,.GUJI lorenzana...ARON VILLENA..CARLO GUEVARA,..JOSE SARASOLA...JOSEPH BITANCOL,,,,.WILL DEVAUGH,.JON AVILA,,ROBI DOMINGO,..AJ PEREZ,.eTc,bakit umuuulit,.ng umuulit,.,tsk.
    ======================================

    Da Hu mga yan sa acting kaya di pa talaga pede bigyan ng big break. Saka di sila masyado hot material this days... Showbiz is business... Ikaw ba business man ay mag venture sa isang bagay na walang kaseguraduhang mag gain...? Hehehe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  admu_370z

    01/11/2010 | 04:18 PM
    yung cleavage ni erich...dun pa lang mahahalata na nagpalaki. eh ano naman kung nagpalaki?wala nmn masama dun eh. ok nga yan eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  kapamilya101

    01/11/2010 | 03:54 PM
    4dlynx

    common, kaw na me magandang neck!! grabe tlga mga ampalaya d2!! pathetic!! first and foremost, di yan retoke, halata naman eh, na they tried to push it a lil bit to make it look big--and that's what you call enhancement without goin' thru knives and all that. I agree that erich is really good at acting, very moving when she delivers, enchong- well, he maybe gay, he may be not, in the same way that you assume other male stars, nobody really knows eh. i also don't like the press people bashing or asking 'em about their sexuality, remeber it's their choice to keep it private. What the main purpose of the presscon is for their back to back teleserye TANGING YAMAN, and not for anything else. no more no less.

    Lastly, yeah, very interesting to note that KATORSE, gave the their rival show, dunno what it's called, the best painful ending!! Low ratings.....if i may add, katorse beat 2 rival shows already yeah? and now make it 3 with the new show TANGING YAMAN!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • clairee

    01/11/2010 | 03:43 PM
    i like erich and echong!sila lang tlaga ang gu2 kong loveteam ng abs..kinikiig tlaga ako..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pepers

    01/11/2010 | 12:43 PM
    wat? eh biglang lumaki ang dibdib niya ha.parang pinagawa niya yan.

    at diba mag on si maja at enchong?

    nalilito na ako
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • naruto24

    01/11/2010 | 11:00 AM
    haller push up bra lng un noh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hotpink

    01/11/2010 | 10:20 AM
    pep ang latest ay nagsorry na si ejay kay erich sa farewell party ng katorse.

    and yung group name nila: chiurigogobaschu.

    gusto ko to si erich, ang ganda, mabait at ang galing pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • erichong001

    01/11/2010 | 10:13 AM
    bago nyo paaminin si erich paaminin muna si kris bernal hahaha hndi daw ngparetoke hlatang hlta na nga halos ngmukhang bangkay na sya sa ginawa nya..si kris bernal ang unang ng denied kya sya muna ang paaminin...

    hayyyyyy..glit lng kayo ky erich dhil pinakain ng alikabok ng katorse ang kris bernal nyo tapos ngaun ttapat p sya ky kimerald wahhhhhhhh gsto n yata tapusin ang career

    well gud luck nlng aljur and kris
    pero wawa aman ang fullhause tinapat pa sa pbb anu kya reaction ni anabil hahaha!!!!go erichong love ka namin dito sa quezon city go,go,go
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • express1223

    01/11/2010 | 08:27 AM
    aminin na rin kasi na nagpa-enhance,,,e obvious na nga.To naman si Erich o, at your age?? ...di pa ba obvious...hmmmm.,..isa ka pa e..dami nyo na naman ganyan e.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • express1223

    01/11/2010 | 08:25 AM
    e ksi, kahit anong dami ng stars nyo sa kapamilya the truth speak to it. Na,, un mga tinangkilik pa rin at me marketing value pa rin ang isasalang ng management kasi nga syempre un ang kumikita.Get's nyo. Wala rin pinagkaiba yan sa Kapuso network har!har!har! Sabi-sabi kayo ng un at un e wala rin naman pinagka-iba dyan kapalmuks.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 4dlynx

    01/11/2010 | 02:37 AM
    Long neck
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • careermuna

    01/11/2010 | 01:07 AM
    ang bata nyo pa,.career at trabaho muna,.di pan nga kayo tapos ng college e,.sus,..saka,..wag nga kayong pagatong o padikta sa mgmt jan,,kung wala kayo wala din silang kita e,..give and take at trabaho lang,.walang halong monkey business dito,,..diba,...ganyan na showbiz now,.lahat proffesional dapat,.,..itong linya na ito ginamit na ng ilang mga past stars na nagdaan o nagpagamit sa ka cheapang loveteam na yan,,.hehe,.diba.,..tigilan,...nagiging cheap kayo,.mag trabaho,.at mas ok ibat ibang pares,.wala ng naniniwala sa ganitong pakulo na kunwari sinabi ni ganito,...che!!!!!umulit na naman n g casting sa tanging yaman,,sana man lang umiba ng casting,.sa dami ng stars jan..sus,,..abs cbn,....anjan sina,.GUJI lorenzana...ARON VILLENA..CARLO GUEVARA,..JOSE SARASOLA...JOSEPH BITANCOL,,,,.WILL DEVAUGH,.JON AVILA,,ROBI DOMINGO,..AJ PEREZ,.eTc,bakit umuuulit,.ng umuulit,.,tsk.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About