guide

Willie Revillame's grand birthday celebration will air on Wowowee
posted on January 22, 2010  STATS: 454 Views | 25 Comments
Willie Revillame will celebrate his birthday through a star-studded event on the January 23 episode of Wowowee. Photo By: ABS-CBN

Sa pagsapit ng kaarawan ng Wowowee host na si Willie Revillame, engrande ang kanyang birthday celebration dahil maraming bigating artista ang dadagsa para makasama ang birthday boy.


Makikisaya ang mga hunks na sina Piolo Pascual at Sam Milby kasama ang popular love team sa Kung Tayo'y Magkakalayo na sina Kim Chiu at Gerald Anderson bilang contestants sa Willie of Fortune. Kaabang-abang din ang sizzling production number ng controversial sexy actress na si Krista Ranillo at Magkano ang Iyong Dangal star na si Bangs Garcia.


Dagdag pa dito, makikipagrakrakan si Kuya Wil sa mga sikat na bandang Kamikazee at Juan dela Cruz Band. Makakasama din niya ang ilang malalapit na kaibigan at certified hitmakers na sina Rico Puno, Rey Valera at Nonoy Zuniga. May special number pa siya kasama ang May Bukas Pa star na si Zaijian "Santino" Jaranilla.


Ilan lamang yan sa mga dapat abangan na Kapamilya stars sa Wowowee birthday celebration ni Kuya Wil ngayong Sabado, January 23, sa ABS-CBN.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

25 Comments

  • 25  totallyfab

    01/24/2010 | 10:06 AM
    Pansin ko lang ha nung lumabas si Krista sa production number nila ni Bangs ang mga tao nag bulungan tapos walang pumalakpak nung sumasayaw siya. Nung ke Bangs pumalakpak ang mga tao den sumasayaw ang iba. Booooo sayo Krista. Kaya ayan Wowowee gumising kayo huwag niyo na yang e guest. Tapos umeksena pa talaga si Krista, sabi niya Wil may gustong bumati sayo na malapit sa puso nagsisimula sa letter M? Sobrang etchos at papansin talaga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  loshang

    01/23/2010 | 02:28 PM
    I don't watch this show that much. I happen to catch it last week and parang bored na bored si Willy sa opening pa lang ng show. I thought he was just going through the motions. Or maybe may problema lang, who knows?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  teamkapamilyathetrendsetter

    01/23/2010 | 01:07 PM
    I don't hate this show but I hate the main host of this show. The whole concept is ayt for me. the ever boastful, arrogant, ego-centric host drives really pissed. buti nga talo nato ng showtime and I wish that Showtime will be it's flagship program in a noontime show.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  kwago07

    01/23/2010 | 12:44 PM
    Kay Boss Gabby at Ma'am Charo, paki ayos nmn ang TFC sched nyo.

    Tapos yung mga artista nyo hwag parepareho..bigyan nyo nmn ng chance yung mga ibang artista.. di paulitulit lng sila Jason Abalos, JAke cuenca,, ano yun?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  pangit101

    01/23/2010 | 12:36 PM
    puro kayo tira sa wowowee....

    ang importante naman dyan ay nakatulong ka sa kapwa at nakapa-bibigay saya sa tao..

    kung isurvey mo yan...

    60-40 lang yan..

    60 ang sa gustong manood..
    40 ang sa hindi gusto...

    yan lang yan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  keepondreamin

    01/23/2010 | 12:03 PM
    e guest nyo na lahat ng big stars nyo, pang salba sa ratings na nag hihingalo lol.. itsssssssss showtimeeeeeeee
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  kurdapya77

    01/23/2010 | 11:38 AM
    WILLIE! HINDI kami manood ng show mo pag nandun si KRISTA!!! NAKAKADIRI!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  dagirl

    01/23/2010 | 10:02 AM
    happy birthday kuya wil!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  franky60101

    01/23/2010 | 08:26 AM
    sa ABS-CBN naman..TFC subscriber ako from los angeles, ang gulo ng schedule ng tfc,,, pa ibaiba araw araw.. ano ba yan mr gabby lopez. tapos yun showtime..3 pm pa pinapalabas dito... sino naman manunuod ng show kng nasa work pa mga tao. mga artista nyo sa mga soap opera halos parepareho na. ang dami nyong mga artistang naka kontrata sa inyo.. saan sila?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  franky60101

    01/23/2010 | 08:23 AM
    utang na loob willie, huwag ka ng umattend sa b-day celebration mo. nakakasira ka ng show.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  lilac0808

    01/23/2010 | 08:03 AM
    magpasikat... magpasikat dito sa amin lahat tayo ay sikat! hehehe... i love wowowee...! More prizes!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  totoy_15

    01/23/2010 | 05:16 AM
    Micro-mini 9.0 earthquake directed with pinpoint accuracy at this moron's dressing room before the show, of course with him in it.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  dudesjr

    01/23/2010 | 04:09 AM
    WE LOVE YOU!!! WOWOWOWEE FAN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  unguyan

    01/23/2010 | 03:01 AM
    gusto ko sanang ipa-abot ito sa ABS-CBN thru PEP/Ms Maglipon...dito sa Los Angeles, 3 times napapanood ang wowowee 2am,10am and 6pm. kung maari sanang pagpalitin ng time slot ang wowowee at showtime, gawing 3 times ang airing ng showtime which is much more quality show than wowowee, at once a day na lang ang wowowee. Mr Gabby Lopez, Ms Charo Santos, aminin nyo man at hindi mas maganda ng di hamak ang showtime kesa sa wowowee, hindi na nakaka-tuwang panoorin sa national TV ang host na si willy revillame, yung mga tira nya sa mga babaeng host,guest,contestantand staff nya on air, eh quot;nakakapang-liitquot; ng pagkatao...ikaw na mismo ang mahihiya sa sarili mo pag maririnig mo yung mga komento nya. Araw-araw na lang kumakanta si willy sa wowowee...nakakapanindig balahibo ang boses nya...sa totoo lang, di kaya sya nahihiya sa mga contestant nyang magagaling kumanta? ang talent ni willy ay mag-drums, bakit hindi yung ang gawim nya? wala na bang pera ang ABS-CBN or nagtitipid lang para kumuha ng mga guest singer
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  unguyan

    01/23/2010 | 02:34 AM
    mas maganda ng di-hamak ang showtime nila vhong navarro kesa sa wowowee ni willy. mas may quality pa ang showtime...ipino-promote ng showtime ang talento ng mga ordinaryong pinoy, but infairness sa wowowee ganon din naman sila, ang kaibahan nga lang...hindi pinangangalandakan ng showtime kung magkano ang prizes nila kaya hindi nagmumukhang pera ang mga contestantn kitang-kita naman na kaya lang pinanonood ang wowowee dahil sa malaking halaga ang mapapanalunan ng contestant, idagdag pa yung mga seksing dancersl. sa showtime may matutunan ka pa with kuya kim's trivia.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  MzNJ

    01/23/2010 | 02:06 AM
    Sometimes i like Wowowee but sometimes i don't..Varelie plssss dont scream and magpacute d ka nakakatuwa ANNOYING nakakasakit sa tenga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • admu_370z

    01/23/2010 | 12:57 AM
    2
    secret2666
    January 22, 2010
    18:44 PM pansin ko lang bakit ayaw kumuha ni willie na co-host din nya ay lalake? ayaw ba nya na matatlbogan? panay babae. ang iingay pa nila. hahaah! d ata sila marunong magsalita ng mahinahon panay PASIGAW. and sana ayosin nila ang format. pag nanood ka kc ng wowoe alam mo halos ang pagkakasunod sunod ng mga gagawin nila! hahaha! walang bago.
    =======================================

    siyempre, di naman niya ma-mamanyak yung mga lalaki noh. babae siyempre gs2 niya noh. Nagpapansin na naman ke SAM PINTO grabe. Yung ibang host na kilala ko, di nmn gnyan. Yung ginawa ni Willie last time nung nag guest yung SAM PINTO, pang DOM ang actions at hirit. haha. olats talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Singbilis123

    01/23/2010 | 12:04 AM
    Kuya Wil.. wish ko lang sa birthday mo.. sana wag mong pinapahiya yung mga staff mo sa show mo.. kase kami ang nahihiya for them... hindi ka rin naman kagalingan para magalit ng ganun sa kanila... Alalahanin mo.. maliliit na tao lang din yan.. kung magkamali man sila pag pasensyahan mo na.... wag kang masyadong nag mamagaling... BULOL ka kaya at di ka marunong magbasa ng INGLIS!!! okay... control your temper!!! CHEEEE
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alkassim

    01/23/2010 | 12:02 AM
    spicytalks

    di ka rin naman kawalan kung di manood..ok..respect naman namin likes mo so respect ka rin naman dapat sa may gusto nito..di ka rin need mag comment dito kund di mo sya like..ok..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • spicytalks

    01/22/2010 | 11:34 PM
    Ay yoko nito. Parang nasa perya ang style. lol.

    Nakakainis pa yung mga umiiyak na halatang peke naman. Siyempre yung iba sincere talaga pero yung iba naman.. naku, halatang-halata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About