Sa pagsapit ng kaarawan ngWowowee host na si Willie Revillame, engrande ang kanyang birthday celebration dahil maraming bigating artista ang dadagsa para makasama ang birthday boy.
Makikisaya ang mga hunks na sina Piolo Pascual at Sam Milby kasama ang popular love team sa Kung Tayo'y Magkakalayo na sina Kim Chiu at Gerald Anderson bilang contestants sa Willie of Fortune. Kaabang-abang din ang sizzling production number ng controversial sexy actress na si Krista Ranillo at Magkano ang Iyong Dangal star na si Bangs Garcia.
Dagdag pa dito, makikipagrakrakan si Kuya Wil sa mga sikat na bandang Kamikazee at Juan dela Cruz Band. Makakasama din niya ang ilang malalapit na kaibigan at certified hitmakers na sina Rico Puno, Rey Valera at Nonoy Zuniga. May special number pa siya kasama ang May Bukas Pa star na si Zaijian "Santino" Jaranilla.
Ilan lamang yan sa mga dapat abangan na Kapamilya stars sa Wowowee birthday celebration ni Kuya Wil ngayong Sabado, January 23, sa ABS-CBN.