It's another riotous episode tonight with Anjo Yllana and Eugene Domingo in Cool Center. . Photo: Noel Orsal

Makisaya sa maingay na pagsalubong sa Chinese New Year ngayong Sabado ng gabi, February 6, sa nag-iisang radio talk show on TV, ang Cool Center with Anjo Yllana and Eugene Domingo.

May mainit na mainit at bagung-bagong blind item na namang pasasabugin this week! Tumutok lang para marinig ang mga nakakaintrigang clues na ibibigay ng ating columnist of the week at nang malaman mo na rin kung sino ang laman ng mga bali-balita.

Nagpaka-busy si Arf Arf sa paglilibot sa mga taping ng mga Kapuso shows para bigyan tayo ng exclusive backstage pass at para na rin makipagkulitan sa inyong mga paboritong Kapuso stars.

Samantala, handa na si Pauleen Luna na ipamigay ang kanyang paborito at fashionable na damit para sa "Tawag ng Pangangailangan."

At siyempre, di kumpleto ang gabi kung wala ang dalawang sexy models, sampu ng nakakaintrigang mga balita, P10K worth of groceries, at walang humpay na katotohanan na dapat ninyong tutukan sa "Hubad na Katotohanan"!

Lahat ng iyan at marami pang iba ang tampok sa Cool Center ngayong Sabado, pagkatapos ng Imbestigador.