This Black Saturday, April 3, viewers will meet Ploning (portrayed by Judy Ann Santos) and Teresa (portrayed by Marian Rivera, inset).

Sa pagsapit ng Sabado de Gloria, April 3, hatid ng GMA-7 ang mga istoryang dumadakila sa pagmamahal ng mga kababaihan at bata.

Tularan ang wagas na pagmamahal ni Judy Ann Santos sa kanyang mga kababayan sa pelikulang Ploning na magsisimula ng 10:30 am. Bilang official entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film ng 81st Academy Awards, masisilayan din dito ang nakabibighaning ganda ng Palawan.

Dadating naman ang baby girl na si Ada sa Enteng Kabisote 2 para lalong pasayahin at paguluhin ang Engkantasya at mundo ng mga tao ng 12 nn.

Pakinggan ang nais iparating ng Birheng Maria sa Manaoag: The Call of the Virgin ng 2 pm. Abangan ang mga solidong testamento ng mga taong naglalakbay gabay ang ilaw ng pananampalataya.

Papasok ang mga nakakaantig na eksena sa Wish Ko Lang ng 3 pm at ang nakakakilig na samahan sa First Time ng 4 pm.

Susunod ang kakaibang kurot na dulot ng pelikulang Gulong ng 5 pm. Tampok dito si Steven Ferno bilang si Apao, ang batang matalino at mabait na lumikas kasama ng kanyang mga kaibigan para hanapin ang nawawalan niyang bike. Sa kanyang paghahanap ay mamumulat siya sa kahulugan ng pag-ibig, pagkakaibigan at buhay.

Huli ay lilipad si Marian Rivera, hindi bilang Darna kung hindi bilang Anghel sa Lupa ng 7 pm. Bilang Teresa, sisikapin niyang pagkasunduin ang mag-asawang walang humpay na nag-aaway ngunit sa proseso ng kanyang pagmamabuting loob ay mauungkat ang "madilim" niyang katauhan.

Makisama sa pagdadakila sa mga kababaihan at kabataan ngayong Sabado de Gloria, April 3, sa GMA-7.