Iisa-isahin ng Startalk ngayong Sabado, April 10, ang mga intrigang kinasasangkutan ng maiinit na stars.
Nahuli si Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na sweet na sweet noong nakaraang Holy Week. Ano nga ba ang totoong score sa kanilang dalawa?
Apektado daw ang mga magulang ni Claudine at Gretchen Baretto sa di-pagkakaintindihan ng magkapatid. Ano ang katotohanan sa alitang di umano'y palala nang palala?
Ang matagal na live-in partners na sina KC Montero at Geneva Cruz ay umamin na sa kanilang hiwalayan. Ano ang mga natatagong pinagdaanan at ano ang mga plano sa hinaharap ng dating magkasintahan?
Tinanggalan ng korona si Bb. Pilipinas-Universe Maria Venus Raj pero hindi siya susuko sa kanyang laban para sa korona. Abangan ang madamdaming pahayag ni Venus tungkol sa isyu.
At ang dating performer ng ASAP na si Rachelle Ann Go, certified Kapuso na! (CLICK HERE to read related article) Saang mga programa mapapanuod ang magandang singer?
Ito at marami pang iba ay buong tapang na sasagutin ng mga artista sa Startalk ngayong Sabado, April 10, pagkatapos ng Eat Bulaga.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
5 TopsyCret
whatever lolz.
4 TopsyCret
3 bubbly
2 bubbly
1 mhacey