"Aaminin ko na hindi ako maka-cope.  Hindi ako maka-cope sa energy nila noong una. Yung mga bata, tayo nang tayo. Alis nang alis. Ang maganda rito, walang inhibitions ang mga bata kasi sumasayaw sila," says Eugene Domingo about her new GMA-7 show called Wachamakulit. Photo: Noel Orsal

Nang alukin ng GMA-7 si Eugene Domingo na maging host ng bagong show na Wachamakulit, tinanggap agad ito ng aktres pero inamin niya na malaking challenge pala ang kanyang haharapin nang mag-taping siya sa unang episode nito.


"Iyong mga bata, may sarili silang span of attention. Hindi mo makokontrol iyan, e, di ba? Iba rin ang lengguwahe. 'Andiyan yung medyo katatakutan ka pero dapat kampante sila, hindi yung matatakot sila (mga bata) na parang principal kang mamamalo kasi ang tingin nila ay ate. In fact, marami kang roles na ginagampanan–ate, sister, yaya, nanay," sagot ni Eugene nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal)  sa presscon ng Wachamakulit noong Sabado, April 10, sa Studio 7 ng GMA-7.


"At ayokong makita na ang parang feeling nila ay hindi sila napapansin. Alam mo naman ang mga bata, kailangan lahat pinapansin mo. Siyempre, makukulit ang mga bata. Mga 50 kids ang kasama ko sa show, including the audience. Ang mga batang nagpa-participate sa show ay between 4 years to 6 years old para ang pag-describe nila ng words ay yung point of view ng mga bata. As is   ang description, kasi ang hinahabol natin ay yung freshness ng isip nila."


Sabi pa ni Uge, minsan siya pa ang nagugulat sa mga salitang lumalabas sa bibig ng mga bata. Minsan, siya pa ang caught off guard kaya kung minsan ay nahihirapan siyang mag-explain. Kaya ingat na ingat din si Uge kasi galing siya sa late-night show na Cool Center kung saan anything goes. Kaya naman pagdating sa Wachamakulit ay ingat na ingat siya.


"Nagulat na lang ako nang sabihin sa akin ng isang bata na, 'Ate Eugene, pinapanood kita sa Cool Center.' At saka dun sa Working Girls, yung hinalikan mo 'yung lalaki. Naku, ingat na ingat ako tapos ang pinapanood pala nila ay Cool Center. At Hot Mama."


Last Saturday ay final telecast na ng Cool Center pero may kapalit na show na ito agad, ang Comedy Bar kung saan makakasama ni Uge si Allan K. Natapos naman ang Hot Mama noong last Thursday, April 8.


"Inaayos ko lang ang frame of mind ko kung ano na yung show na pinupuntahan ko.  Basta when I learned about Wachamakulit from GMA, I told na gusto ko ito gawin kahit na ang sikip-sikip na ng schedule ko. Kasi nagsu-shooting ako ng Here Comes the Bride (produced by Star Cinema and Quantum Productions) with Angelica Panganiban, John Lapus, Jaime Fabregas and Tuesday Vargas. This is written and directed by Chris Martinez who wrote the award-winning film 100.


"Tapos pumasok pa ako sa First Time. Then tumawag si Ms. Marivin Arayata and asked me kung gusto kong gumawa ng children's show. I said yes. Gusto ko talaga kasi minsan preferred mo to work with fresh minds, yung pati ikaw nae-excite kasi hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Kasi minsan, do mo masisisi, pag matagal mo nang ginagawa ang isang bagay at pare-pareho tayo nang nakikita, minsan pag kabisado mo na, nawawala na ang excitement. Dito sa Wachamakulit, mga bata ang magbibigay ng clues sa games," kuwento ni Uge.


Gaano kabibo ang mga bata sa show?

"Ang ingay nila. Nakaayos ang sequence ng programa pero kung ano ang lumabas sa bibig ng mga bata, yun na iyon. Very fast ang takbo ng game. With regards to the kids na kasali sa program, the network conducted an audition. Tapos nakita ko na karamihan ng mga batang nakuha nila ay nakatrabaho ko na sa commercial o kaya naging pamangkin ko or anak ko sa mga indie films," sagot ni Uge.


"Very excited ako sa show kasi you will never know what will happen. You will be surprised with the kids kasi mga bibo sila and you won't know kung ano ang sasabihin nila. Minsan nga naiisip ko buti hindi ko anak ang mga batang ito. Otherwise, after ng taping, pauuwiin ko na sila agad kasi sobrang hyper sila.


"Oo, aaminin ko na hindi ako maka-cope.  Hindi ako maka-cope sa energy nila noong una. Yung mga bata, tayo nang tayo. Alis nang alis. Ang maganda rito, walang inhibitions ang mga bata kasi sumasayaw sila. Pero mabilis lang naman ang taping," sabi pa ni Uge.


For the pilot week, mga celebrities muna ang studio players pero eventually magkakaroon sila ng contestants na ordinary people.


Original concept ba itong Wachamakulit?

"I am sure hindi. I am sure marami nang shows na tulad nito. Nauulit-ulit at nare-rehash lang naman iyan. Dadagdagan pero sa ngayon nakikita ko na ito lang yata ang ganitong tipo ng programa. Marahil mayroon silang peg sa programang ito. Pero I am encouraged kasi this summer, mga bata naman ang bida, kasi bakasyon nila ngayon. "


What adds to Eugene's excitement is the fact na si Bb. Joyce Bernal ang director.

Kahit na busy siya sa trabaho, happy naman si Uge dahil maraming sumusuporta sa kanya.


"Wala akong PA [personal assistant]. Wala akong driver. Mayroon lang akong sekretarya na nag-aayos ng schedule ko. Pero sanay ako na ako lang. At natutuwa ako na ganoon kasi pagdating mo naman sa set ay maraming nakaalalay sa iyo, magdadala pa ba ko ng PA? At saka sanay naman ako nang ganoon."


Ang Wachamakulit ay mapapanood starting this Friday, April 16, 5 p.m. sa Bilib Ka Ba Araw-Araw block ng GMA-7.