"My most memorable scene in this project is our kissing scene. It's my very first passionate onscreen kiss and we did it on a freezing cold night in our summer outfits," says Tom Rodriguez about his kissing scene with Valerie Concepcion for Love Me Again. Photo: ABS-CBN



Sa mahigit tatlong linggong nasa ere ang Precious Heart Romances presents Love Me Again, nakilala ang bagong love team nina Valerie Concepcion at Tom Rodriguez. Sa isang panayam kay Tom, hindi naitago ng singing heartthrob ang labis na kasiyahan sa blessings na dumarating sa kanya. "It's really heartwarming that a newcomer like me gets to star in a TV project like PHR. I didn't expect that something like this would happen to me. I feel very lucky and I can't stop thanking God for these blessings."


Ayon kay Tom, special para sa kanya ang Love Me Again dahil maraming "firsts" ang kadikit nito--ang kanyang first daily TV drama, first onscreen loveteam at first kissing scene!


"Sobrang swerte ko po na si Ms. Valerie Concepcion ang ka-partner ko. Actually, my most memorable scene in this project is our kissing scene. It's my very first passionate onscreen kiss and we did it on a freezing cold night in our summer outfits!"  Bukod sa kissing scene nina Tom at Valerie, dapat abangan rin ng mga manonood ang mga susunod na tagpo sa Love Me Again.


Matapos maghiwalay nina Chad (Tom) at Pauline (Cathy Remperas) at magtungo ng Maynila ang magkapatid na Precy (Valerie) at Donnie (Johan Santos), muling magkukrus ang landas ng apat na bida. Si Precy, magtatrabaho sa motel na pagmamay-ari ng pamilya nina Chad. Si Donnie, makikita naman si Pauleen sa isang party.  Sa muling pagkikita, magbalik kaya ang mga nararamdaman nila para sa isa't isa? Mananatili na nga lang bang magkaibigan sina Pauline at Donnie? Aminin na kaya ni Precy na hinahanap-hanap ng puso niya si Chad?   


Bukod kina Tom, Valerie, Cathy and Johan, kasama rin sina Archie Alemania, Ahron Villena, Bettina Carlos, at Nina Ricci Alagao sa naturang palabas. Mapapanood rin sa Love Me Again ang iba pang PBB Double Up ex-housemates na sina JM Lagumbay, Kenny Santos, at Toffi Santos. Ang afternoon series na ito ay sa ilalim ng direksyon nina Ruel Bayani na direktor ng Tayong Dalawa at 2nd unit director Jojo Saguin na 2nd unit director naman ng May Bukas Pa.


Huwag palampasin ang mga mas nakakikilig na eksena nina Valerie at Tom sa PHR presents Love Me Again pagkatapos ng PBB Teen Clash Uber sa ABS-CBN.