Before deciding to run for vice governor of Batangas, multi-awarded actor Christopher de Leon was part of the ABS-CBN primetime drama series Maging Sino Ka Man. But the actor-turned-politician promises he will return to the soap opera, win or lose. Photo: Noel Orsal


Manalo o matalo sa eleksiyon, babalik si Christopher de Leon sa kanyang ABS-CBN soap na Maging Sino Ka Man.

Nagpaalam ang character ni Boyet sa nasabing soap—which also stars John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Anne Curtis, and Sam Milby—dahil kumakandidato siya ngayon bilang vice governor ng Batangas under the Genuine Opposition (GO) ticket. Hindi pinatay sa soap ang character niyang si Don Fidel. Pagkatapos daw nitong mabaril, dinala ang character niya sa US.

"Sa mga campaign namin, hinahanap nila [publiko] si Don Fidel sa Maging Sino Ka Man. Ang sabi ko, 'Si Don Julio nasa US, pero si Christopher "Boyet" De Leon, nandito ngayon sa Batangas, humihingi ng supporta sa inyo,'" kuwento ni Boyet bago magsimula ang press con cum thanksgiving party na ibinigay sa kanya ni Mother Lily Monteverde noong May 6 sa Imperial Palace Suites.

Nag-request din daw si Boyet na pabaitin nang konti ang character niya bago siya umalis sa soap at nagsimula ng kampanya.

"Nang umiikot pa lang kasi ako sa Batangas bago ang campaign period, sa Balayan, may isang lumapit sa akin, lawyer pa man din, galit sa akin at sinabing, ‘I will not vote for you.' Sabi ko, 'Bakit po?' Ang sagot sa akin, kasi ang bad daw ni Don Julio. Kaya talagang nag-request ako kay Ma'am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN top person for television] na sana pabaitin muna ang character ko," salaysay ni Boyet.

Sa ngayon, pagka-campaign lang talaga ang inaatupag ni Boyet, ngunit may future plans na siya. Manalo o matalo raw, babalik siya sa Maging Sino Ka Man.

Someone asked him na hindi kaya patapos na ang soap matapos ang eleksyon. He gave this scoop for an answer: "May book two ang Maging Sino Ka Man."