guide

Maja Salvador and Sam Milby have a swimming pool scene for Impostor
posted on June 6, 2010  STATS: 44350 Views | 24 Comments
  In one scene of Precious Hearts Romances presents Impostor, Sam Milby tried teaching Maja Salvador to swim while they were at the deep end of a swimming pool. Photo By: ABS-CBN

Sa ABS-CBN afternoon teleserye na Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor, kitang-kita ang chemistry nina Sam Milby at Maja Salvador. Pero ang hindi alam ng karamihan, mas nakaaaliw panoorin ang kulitan ng dalawa kapag wala nang kamera.

Aminado sina Sam at Maja na bagama't nagkailangan sa umpisa, mabilis naman silang nagkapalagayan ng loob. Ayon kay Sam, "Very comfortable na kami ngayon with each other. Sobrang saya sa set kasi we really get along well. Maja and I are both having fun. Nakakatuwa ang kakulitan ni Maja!"


Nagkasama man sa ibang TV projects, kabilang ang ASAP XV, aminado sina Maja at Sam na ang PHR presents Impostor ang nagbigay-daan para mas magkakakilala silang dalawa. Kuwento ni Maja, "Komportable na kami ni Sam sa isa't isa, kaya naman komportable na rin kami sa mga scenes namin bilang mag-asawa sa Impostor. Wala nang ilangan."


Maging para sa mga katrabaho sa teleserye nina Sam at Maja, kapansin-pansin ang kakaibang pag-aalagaan nila sa isa't isa. Sa katunayan, isang staff ang kinikilig na nag-kuwentong hinahatid pa ni Sam si Maja mula sa waiting area papuntang set kapag kukunan na ang eksena nito. At nang minsang masira naman daw ang reclining chair ni Sam, ipinagamit ni Maja ang kanyang tulugan para makapagpahinga ang aktor between takes.

 
Hindi tulad ng ibang magka-love team, ang pag-aalaga at kulitan nina Sam at Maja bilang magkaibigan ay hindi natatapos kapag nag-pack-up na ang taping. Dahil hanggang sa labas ng set, nadadala ng Prince of Romance at Drama Sweetheart ang kanilang kulitan at bonding moments.

 
Isa pang staff ng PHR presents Impostor  ang nagkuwento na minsa'y niyaya ni Maja ang ibang miyembro ng cast at staff ng programa para kumain sa isang mamahaling hotel. Treat ito ni Maja sa mga kasama sa trabaho para sa magandang pagtanggap ng mga manonood sa kanilang serye. Pero ang hindi alam ni Maja, sa pagdating pa lang ni Sam ay agad na pala nitong binayaran ang bill. Kaya't nang hinihingi na ni Maja ang bill, laking gulat niyang wala na pala siyang babayaran. Natapos ang gabi sa masayang pagtatalo ng dalawa kung sino ang dapat magbayad. Tuwang-tuwa ang ibang parokyano at staff ng hotel sa ipinakitang kulitan ng dalawa.

Kung gaano kapalagay sa isa't isa sina Sam at Maja ang siya namang paglalapit ng mga ginagampanan nilang tauhan sa PHR presents Impostor. Sa ika-apat nang linggo ng teleserye, napapalagay na ang loob ni Anthony (Sam) kay Devin (Maja) na humantong sa isang masayang bonding over swimming. 

"Abangan nila ang swimming style ni Maja!" pang-aasar ni Sam sa katambal. "Di siya marunong mag-swimming! Sinubukan kong turuan siya lumangoy, pero natatakot daw siya."

Agad naman siyang sinagot ni Maja, "Turuan ba naman ako agad sa seven feet!"

Abangan kung tuluyan na bang mahuhulog ang loob at mauuwi sa tunay na pag-iibigan sina Devin at Anthony. Paano kung malaman ni Anthony na ang kanyang babaeng minamahal ay isa palang impostor?

Kasama sina Precious Lara Quigaman, Bobby Andrews, Raquel Villavicencio at Izzy Canillo, ang PHR presents Impostor ay sa ilalim ng direksyon ni Jerome Chavez Pobocan.

Huwag palampasin ang bagong mukha ng pag-ibig sa PHR presents Impostor, weekdays sa Hapontastic, 3:45pm, pagkatapos ng Rosalka sa ABS-CBN.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

24 Comments

  • 24  sprikitik1114

    06/11/2010 | 02:21 PM
    hindi nga maganda ang kutis ni maja, may itim itim. ang kasu kasuan, maitim..pati ang..magpaputi muna sya dapat bago magswimsuit or body make up before magpapicture.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  sprikitik1114

    06/09/2010 | 03:12 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  zenytj

    06/09/2010 | 12:09 PM
    maganda ang chemistry nilang dalawa,maja is simple,sam very down to earth kaya bagay sila at yong papel nilang dalawa,congrats sam at maja.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  penshoppe

    06/08/2010 | 07:03 PM
    Ang ganda ng swimsuit, parang may light reflector! Anong brand kaya yan?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  solidaridad

    06/08/2010 | 01:40 AM
    I think si Maja ang isa sa pinakamagandang young actress ngayon. Maganda ang mukha at katawan. Maganda pa siyang kumilos. Pero sa acting magaling din si Maja but I think si Erich ang the best sa mga batang actress. Ang ganda ng acting nila ni Jolo sa Maalaala mo kaya. Maganda na rin ang acting ni Jolo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  tangerine_dream114

    06/07/2010 | 09:48 PM
    maja is so pretty, bagay sa kanay short hair
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  rhiamags

    06/07/2010 | 09:32 PM
    ganda ni maja! lakas ng appeal! super talented pa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  nurliah

    06/07/2010 | 09:03 PM
    sam and maja have a great chemistry,love impostor
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  N6969

    06/07/2010 | 08:16 PM
    ganda ma talaga maja
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  snygg_crasher

    06/07/2010 | 05:14 PM
    ganda mo maja!!! yummy! :D ang galing pa umarte.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  babydrew

    06/07/2010 | 04:20 PM
    maganda ang katawan pero kailangan pa i- trim down ng konti ang tummy area...

    Thumbs up Maja...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  ian15yeah

    06/07/2010 | 04:11 PM
    gnda tlga n maja...

    pnpartner kea cna kim at ge s iba..
    s mmk.,c carlo aquino at kpartner nia..

    inggit k lng..at least nd gya ng mga ibang stars jn n kht knno mu ipartner..flop p rn
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  em_jay

    06/07/2010 | 02:01 PM
    ganyan tlaga sa ABS malaking talent fee..di 2lad ng ibagt;gt;hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  newyorker1969

    06/07/2010 | 12:19 PM
    In fairness ha, she has a nice body, puedeng magpa-sexy at may K, unlike angelica p. na walang korte ang katawan/malaki ang waist pero pilit na nagpapa-sexy! Ineng, paubaya na lang sa may mga K ang pagpapa-sexy, u can act nman daw so mag-drama o kaya mag comedy ka na lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  imba2010

    06/07/2010 | 12:01 PM
    yan ba si maja?..sexy pala siya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bdo

    06/07/2010 | 11:55 AM
    Yummy! love you Maja!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • abc4u

    06/07/2010 | 10:35 AM
    I sooo love MAJA!
    Mas bagay nya hair nya ngayon.
    Lalong gumanda at mas sophisticated tignan.
    God bless u, Maj!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • eniforever

    06/07/2010 | 07:13 AM
    Hindi natetengga daw. Aha

    Hello Kim-Gerald. LOL:
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • TopsyCret

    06/06/2010 | 10:53 PM
    magaling na aktres! uu nga, mga stars ng ABS hindi natetengga sa iisang partner lolz.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • helloPEP

    06/06/2010 | 10:31 PM
    may pera ang mga STRS ng ABS, nililibre ang mga kasamahan sa mamahaling kainan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About