ABS-CBN's new station ID will be aired for the first time tonight, June 11, right after TV Patrol World. Angel Locsin and John Lloyd Cruz of Imortal (top frame) as well as Gretchen Barretto and Bea Alonzo of Magkaribal are among the stars who will grace the rainy season-themed station ID. Photo: Courtesy of ABS-CBN

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ngayong Hunyo ay ang pagbuhos din ng kilig at saya mula sa mga pinakaabangang teleserye stars ng ABS-CBN na tampok sa pinakabago nitong station ID na ilulunsad ngayong Biyernes, June 11.

Nagsama-sama ang mga bida ng kasalukuyan at eere pa lamang na teleserye ng Kapamilya Station na sina Piolo Pascual, Zaijan Jaranilla, Kristine Hermosa, Xyriel Manabat, Empress Schuck, Matt Evans, Felix Roco, Gretchen Barretto, Bea Alonzo, Cristine Reyes, Zanjoe Marudo, Jericho Rosales, Anne Curtis, Angel Locsin at John Lloyd Cruz bilang pagdiriwang na rin sa ika-60 taon ng Pinoy Soap Opera.

Noong 2002, gumawa rin ng rainy season SID ang Kapamilya Network at ginamit nila ang kantang "Sukob Na" na kinanta ng bandang 17:28.

Gamit ang acoustic at mas sentimental na himig ng awiting "Sukob Na" na likha ni Aiza Seguerra, ang naturang SID ay ilulunsad ngayong Biyernes, June 11, pagkatapos ng TV Patrol World. Ito ay ginawa ng ABS-CBN Creative Communications Group sa pamumuno ni Robert Labayen at sa direksyon ni Richard Ang.