guide

Zanjoe Marudo and Cristine Reyes to be paired together in Martha Cecilia's Kristine
posted on July 29, 2010  STATS: 790 Views | 27 Comments
  Zanjoe Marudo and Cristine Reyes will topbill Martha Cecilia's Kristine, ABS-CBN's primetime series that will start airing on August 16.   Photo By: ABS-CBN

Mula sa pagiging simpleng modelo at dating housemate sa unang edisyon ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition, malayo na ang narating ng aktor ni Zanjoe Marudo.

Ngunit sa isang panayam sa kaniya matapos ang kaarawan niya noong Hulyo 23, inamin ni Zanjoe na maraming pa siyang pangarap sa kaniyang career.

"Gusto ko magtagal sa industriyang ito. Marami akong gustong gawin eh. Gusto ko mag-drama, gusto ko mag-comedy, gusto ko mag-action. 'Yung hindi nakatali sa isang character o genre," ani ng 28-anyos na aktor.

Masaya naman si Zanjoe dahil kasalukuyan niyang naipapakita ang iba't ibang galing sa pag-arte. Sa Banana Split, comedy. Sa pelikulang Cinco, nag-suspense at horror siya, at sa darating na Agosto 16, muli naman siyang magda-drama sa pinaka-aabangang TV adaptation ng pocketbook series na Martha Cecilia's Kristine kasama si Cristine Reyes.

Ayon kay Zanjoe, marami silang pagkakapareho ng gagampanan niyang role na si Jaime, na tulad niya'y sigurista at hindi tradisyunal na romantiko.

"Hindi niya agad binibigay lahat hanggang hindi sigurado. Ako ganon din ako, hindi ako pumapasok sa isang bagay hanggat hindi ako sigurado. Pareho rin siguro kaming minsan lang gumawa ng something romantic, pero malakas yung impact kasi hindi sanay yung tao na ganon kami," paliwanag niya.

Inamin naman ni Zanjoe na mayroon pa rin siyang nais baguhin sa sarili, tulad ng mas pagiging expressive ng kaniyang pagmamahal.

"Hindi kasi ako showy na tao. 'Pag na-aappreciate ko yung isang bagay, e, hindi ko kaagad napapakita. Kaya minsan nagiging negative na, kasi iniisip ng iba hindi ko nagustuhan o na-appreciate," sabi niya.

Kung may isang bagay naman na hindi siya nahihiyang ipakita ay ang paninindigan at pagsisikap niya para sa kaniyang pamilya at sa kaniyang career.

"Kaya lang naman ako nagta-trabaho dahil kailangan ng pamilya ko. Hindi naman sila humihingi pero nararamdaman ko na kailangan ako. Marami rin akong gustong matutunan, marami akong gustong gawin, marami akong pangarap," paglalahad ni Zanjoe.

Kaya naman sa bago niyang teleserye sa Primetime Bida na Martha Cecilia's Kristine, inaasahang ibang Zanjoe ang mapapanood ng sambayanang Pilipino.

"Gusto kong makuha 'yung respeto ng ibang tao, ng ibang artista, ng mga katrabaho ko. At iyang ang gagawin ko sa Kristine," pagtatapos niya.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

27 Comments

  • 27  kathygimena

    07/31/2010 | 07:35 AM
    sana wag nilang ibahin ung name ni Bernard,kahit un man lang,bahala na kung may idadagdag clng scenes basta wag2x nlng ibhin ung name.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  brokenheartedone

    07/30/2010 | 01:39 PM
    bat binago na naman name ng lead character na bernard? hays iniba na naman story ni2 for sure!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  aiveec

    07/30/2010 | 01:03 PM
    13
    my_sayad
    July 29, 2010
    22:29 PM

    parang yong picture, pwedeng title ay --katabi ko ay multo

    ----------------------

    Lol! I thought about the same thing.

    I really don't find Cristine pretty nor appealing.

    Ara Mina is more attractive and prettier than her.

    They both need to lose weight though... but Ara needs to lose more than Cristine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  bukuh

    07/30/2010 | 01:00 PM
    hindi naman malaking artista sina rafael at denis!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  joei_chibi

    07/30/2010 | 12:52 PM
    sana sila RAFAEL at DENISE ang gumanap na BERNARD at JEWEL.. kakakilig sila sa MIDNIGHT PHANTOM.. EFFORTLESS.. at sila ZANJOE at CRISTINE ang gumanap na MARCO at EMERALD.. please.. sana yun na lang.. parang mas bagay sila sa mga characters na yun eh..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  annekc

    07/30/2010 | 11:59 AM
    primetime ba tlga yan???????


    sna mabigyan tlga nla ng justice yang KRISTINE SERIES kc mxadong SOSYAL mga tauhan jan!

    ung mga fortalejo, kung sa totoong buhay

    cla ung mga AYALA!

    hmmm let see..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  peachyness18

    07/30/2010 | 11:24 AM
    So it's really Jaime then? They really changed the name of Bernard Fortalejo to Jaime Reyes?? OMG!! This is murder. Kung nabasa niyo yung novel,you will never think of changing the name. Because if I quote from Ms. Martha Cecilia, quot;Bernard is the Kristine series,and The Kristine series is Bernard.quot;
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  bukuh

    07/30/2010 | 10:50 AM
    gwapo ni zanjoe wheew. ganda ni cristine bagay sila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  ask_me_to_stay

    07/30/2010 | 10:38 AM
    The series itself is very beautifull.. I jusst want to ask PEP kung galing ba sa ABS CBN mismo ang fact na JAIME ang name na gaganapan ni Zanjoe.. kasi BERNARD ang Name ng bida at partner ni JEWEL.. make it correct po dahil mismomng si Ms. Martha Cecilia ay ayaw pong pumayag na papalitan ang name ni BERNARD.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  TheZeroNet

    07/30/2010 | 09:43 AM
    Kopyang kopya to sa issue ngayon ng abante online sa column ni alfie..hmmm..cno b author nito pep??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  puckerlips143

    07/30/2010 | 07:09 AM
    I love cristine aabangan ko na naman ito goodluck aa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  samantha_isabelle

    07/30/2010 | 04:59 AM
    hay i don't know why abs chose cristine...ang ganda pa naman ng series na to....i don't have anything against cristine pero hindi siya bagay sa role na jewel...jewel is black diamond..sana lang she will give justice to her role...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  futyakmod

    07/30/2010 | 02:50 AM
    Rubi ba ang papalitan nito?
    Good luck
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  yuanski

    07/29/2010 | 11:39 PM
    okay zanjoe... i admire you.kahit wla n kayo ni mariel, kasama naman nya si robin...at kasama mo naman si christine reyes... much better seeing you together.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  my_sayad

    07/29/2010 | 10:29 PM
    parang yong picture, pwedeng title ay --katabi ko ay multo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  humandynamics

    07/29/2010 | 05:40 PM
    in fairness ang sexy ni zanjoe sa lovers in paris ha! minsan nga mas gusto ko yung character niya keysa kay papa piolo. galing din ng acting niya doon.
    so keep it up, kapag may tiyaga may nilaga..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  drewnt08

    07/29/2010 | 05:38 PM
    wow. ganda ng thrailer :D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  Bruce80

    07/29/2010 | 05:17 PM
    Einstein_1 - ang yabang mo naman para sabihing mukhang fan lang si Zanjoe.... hmnnnn cguro kapag isinama ka sa picture nila ang comment naman na marereciv mo eh :sino yang kasama ni Zanjoe at Christine? aso nila? lol................
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Einstein_1

    07/29/2010 | 05:16 PM
    da who ung lalake...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • nicole23

    07/29/2010 | 04:59 PM
    pero in fainess gwapo si zanjoe sa personal..ang lakas ng appeal nya.. para syang pinaghalong edward at jacob..sa face,buhok nya at height edward..pero ang katawan at kulay jacob ..panalo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About