Nagsimula na ngayong Sabado ng tanghali, July 31, ang pinakabagong Kapamilya noontime show—ang Pilipinas Win na Win!
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsama sa isang noontime show ang dalawa sa pinakamalalaking bituin ng Philippine showbiz na sina Queen of All Media Kris Aquino at ang "Pambansang Utol" Robin Padilla, kasama ang tatlong "Paborito sa Pananghalian" na sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Pokwang.
Sa opening number kanina, pinatugtog ang "I Gotta Feeling" at sinabi ni Robin Padilla sa mga manonood: "It's nice to be back!" Umakyat naman ang action star at nagpakitang-gilas sa pamamagitan ng pagtalon mula sa railing at mag-front roll. Nagkaroon naman ng fireworks sa stage bago lumabas si Kris at nagsabi sa audience: "Kung sabi ni Robin na he's back, I'm here to stay!"
Pinakita sa audience ang anak ni Kris na si Baby James, business unit heads Lauren Dyogi, Deo Endrinal at corporate communications head Bong Osorio.
Pagkatapos nila kantahin ang theme song ng Pilipinas Win na Win, nagbiro si Kris, "Baka sabihin nila na unang araw pa lang, nang-aagaw na ko. Dito ka nga sa gitna." Pinapunta niya si Robin sa tabi ni Mariel at humirit naman si Pokwang na wag mang-agaw si Mariel. Lumapit si Pokwang kay Robin at buong giliw na aktong hinalikan ni Robin ang komedyante.
STAR-STUDDED PILOT EPISODE. Ayon sa business unit head ng show na si Jay Montelibano, star-studded event ang pagbubukas ng Pilipinas Win na Win. "Piolo Pascual will be here. Si Kuya Boy Abunda, kakaiba ang gagawin niya. Close friends of both Kris and Robin will be here, too, at yung iba would be a surprise."
Kabilang pa sa mga guests sina Martin Nievera, Ai-Ai delas Alas, Christian Bautista, Toni Gonzaga, Cristine Reyes, Karylle, Juris at child wonders na sina Xyriel "Momay" Manabat at Zaijian "Santino" Jaranilla.
Nang tanungin si Jay sa kung ano ang mga bago sa Pilipinas Win na Win, sinabi nitong tiyak na maraming masisiyahan sa mga mapapanood nila. "The set will stay. Yung staff naman saka yung mga dancers, they will stay. Pati si 'Congratulations' [April Gustilo], she'll stay. It's the game segments that will see really total change. Naka-tailor fit talaga yung segments for Kris and Robin at kino-complement pa rin naman nina Mariel, Valerie at Pokwang."
Dagdag ni Jay, magiging kaabang-abang ang bagong kombinasyon ng mga hosts. "We know, of course, Kris as being the Media Queen, and bihasa na siya sa pagho-host ng mga ganyang palaro. Robin has the charisma. It would actually be an interesting combination. Iisa kasi yung adhikain nila, yung mapasaya yung tao. So both have the heart. Both have the passion. It's very, very interesting to see the mix."
Ngunit higit pa sa mga hosts, inihayag ni Jay na ang bagong hatid na palaro at papremyo ang mas lalong magbibigay-saya sa mas maraming Pilipino. "Focused ang Pilipinas Win na Win sa indibidwal, barangay, pamilya at sa lahat ng Pinoy sa buong mundo. Mamimigay pa rin siyempre ng milyong papremyo. Pero ngayon, mas maraming mananalo. Kasi kung dati, yung games ay one-is-to-one. Ngayon, mas pampamilya at mas pangmaramihan. It's interactive with the barangay at may palaro para sa pamilya," ani Jay.
Samantala, sa gitna ng kanyang rehearsal para sa opening number niya sa Sabado, isang mensahe ang ipinarating ni Robin sa mga manonood na excited na silang makita.
"Ako'y nagpapasamalat sa pamunuan ng ABS-CBN at sa lahat ng mga taong nagdasal na magkaroon ng pag-asa at maisakatuparan ang program naming Pilipinas Win na Win. Dito, lalo po nating gagawing bida ang mga tao. Kami ay tagapangasiwa lang ng programa. Sisiguraduhin kong mananatiling bida, unang-una siyempre ang mga kababayan nating mga Pilipino."
Mapapanood ang Pilipinas Win na Win, mula Lunes hanggang Sabado, 12nn, sa ABS-CBN.





No.1 pa din.
Perya Payatas, Windang na Windang....No.2
Copy cat....meowwwwww
Ginaya na lang ang pangalan ng show sa GMA dahil walang mga utak ang kanilang production staff. Wala pang kwenta ang game show na ubod ng gulo at sing labo ng frequency nila..
Ano ba yan?? di na nga nagpalit ng cast, production staff, venue, wala pang kwenta ang games....puro sigaw parang perya. Dapat pinangalanan na lang na Perya Payatas Windang na Windang...o di ba medyo bonga pa....
Copycat..meowwwwww
Mariel vs Julia/Pia - si Pia hnd plastic, kakatuwa magdance, si Julia bongga din! , si Mariel plastic super!!
Pokwang vs Jose?Wally - iba talaga ang tandem ng dalawa si Pokwang, wla pilit talga!
Robin vs Bosing - si Robin boring.. wala silbi
Kris vs Ruby - si Ruby magaling magpatwa wla pa STD
1998-2003 Magandang TB
2003-2004 Masayang TB
2004-2005 MTB Ang Saya saya
2005-2010 WOwowee Mariel and
Valerie pronounced as wawaweeyah
2010-2010 Pinas wiz na wiz
2010-2010 parin Kris BUnganga show
2010-2010 SNN hahaha
----------------------ang EB naghihintay lang tatapat sa kanila at ilalampaso nila ng bonggang bongga
anyway, parang maa- out of place si val ah! kase knowing kris may pag iinitan yan and definitely hindi si pokwang and mariel.. haaaaay
hoy! nkta nyo ba? same segments ang Eat BUlaga pero nakaka enjoy pa rin talaga!!!!
ang Pilipinas win na win,, wtf!!! flop na flop! ALANG KWENTA!!! .... peste..
anu ung hep hep hooray nla?
dnamihan lng ng artista pra mcompensate ung lack of preparation...
c kris.di cya bagay dun...she's too smart for d show...sna lagay n lng cya sa quiz show lyk game knb?
kapag unorganize parin yan sa succeeding days, matatalo ANG ABSCBN D2.
more powers!!
Tiyak tili-an to the max and drama ng mga ito.
Sana pinalitan na lang yong title tapos ni-retain si Luis except don sa 3 new girl host na walang kwenta.