Hanna Eunice Rodriguez is a Mass Communication student from an all-girls school. She resides in Las Piñas City and takes care of her six-month old baby girl. Photo: Courtesy of ABS-CBN
 

Pumasok na ng Big Brother House ang Globe Housemate for a Week na si Hanna Eunice Rodriguez

 

Sa libu-libong Pinoy na gustong maging housemate ni Kuya ay si Hanna mula sa Las Piñas City ang maswerteng napili. 

 

Sa edad na 21 years old ay isa nang mommy si Hanna kaya't kinailangan niyang huminto sa pag-aaral at ituon ang kanyang atensyon sa pag-aalaga ng kanyang baby. 

 

Mahilig manood ng teleserye ang Mass Communication student na ito mula sa isang all-girls school.  Ito raw ang kanilang bonding moments ng kanyang mommy dahil nakaka-relate sila sa mga malulungkot na kwento sa telebisyon. 

 

Ang panonood naman ng mga news program ang private moment nila ng kanyang ama na halos himatayin umano nang malamang nagdadalang-tao ang kanyang unica hija

 

Mahilig mag-edit ng videos si Hanna at nangangarap na maging isang certified Kapamilya. 

 

Sa pagpasok ni Hanna sa Bahay ni Kuya, isang task kaagad ang ibinigay sa kanya-ang magpanggap na buntis! 

 

Ang hindi alam ni Mommy Hanna ay ipinaalam na ni Big Brother sa mga housemate ang kanyang pagkukunwari...magkabukuhan nga kaya sila? 

 

NOMINEES FOR EVICTION. Sa sixth nomination night of PBB Season 2 noong nakaraang Linggo, May 20, nominadong mapalayas sa Big Brother House ang apat na housemates na sina Saicy Aguila, Gee-Ann Abrahan, Yen Galagnara, at Robert Woods III. 

 

Napatawan ng automatic nomination si Saicy dahil paglabag sa 5 pound limit ni Kuya kung saan hindi maaaring bumigat ng mahigit sa 5 lbs. ang bawat housemate mula sa kanilang orihinal na timbang. 

 

Mula sa timbang na 90.8 lbs ay nadagdagan ng 6.4 lbs. ang "Samba Diva" kaya't 97.2 lbs. na ang kanyang kasalukuyang timbang. 

 

Automatic nomination din ang ipinataw ni Big Brother kay Gee-Ann dahil sa pagsasalita habang nakapatay ang kanyang lapel microphone. 

 

Pawang nakatanggap naman ng 6 points of nomination sina Mommy Yen at Robert mula sa kanilang mga kapwa housemates na may kani-kaniyang dahilan kung bakit hindi na dapat manatili pa ng mas matagal ang dalawa sa loob Bahay ni Kuya. 

 

Sa Sabado, May 26, malalaman na ng taumbayan kung sino ang ika-anim na evictee sa Second Season ng Pinoy Big Brother.