It's Aga Muhlach vs. Tom Rodriguez in M3 (Malay Mo Ma-develop)

Friday, August 20, 2010 @ 07:48PM  |  3667 views

JM (played by Aga Muhlach) gets pitted against Ted (Tom Rodriguez) for the love of Bea (Megan Young) in this Saturday's episode of M3 (Malay Mo Ma-develop) .
Photo By: ABS-CBN (Aga) Noel B. Orsal (Tom)













Napakahaba nga naman ng buhok ni Bea (Megan Young). Pinag-aagawan kasi siya ng dalawang guwapo!

Panalo man sa puso ng kababaihan dahil sa angking karisma at kabaitan itong si JM (Aga Muhlach) hahabul-habol naman ito kay Bea. Pero para sa dalagang mestiza, past is past na raw dahil meron na siyang bagong fiancé—si Ted, played by ex-PBB housemate Tom Rodriguez.

Sparks flew at kinilig mang muli ang ex-engaged couple na sina JM at Bea sa muling pagkikita nila, mukhang mangingibabaw ang Palabra de Honor ni Bea dahil nakapag-commit na ito kay Ted.

Kung bakit naman kasi ngayon lang ulit nagkita sina JM at Bea?

Huli na nga kaya ang lahat? Ano naman kaya ang say ni Kringkring (Ai-Ai de las Alas) sa mga pangyayari? Balita'y gagamitin nito ang seksing si Megs (Niña Jose) para mabulabog ang situwasyon.


Kasama rin sina Jojo Alejar, Jairus Aquino, Mika Dela Cruz at Noel Trinidad, ang Malay Mo Ma-develop o M3 ay sa ilalim ng direksyon ng award-winning na direktor na si Jeffrey Jeturian.

Abangan at huwag palampasin ang kumpitensiya para sa puso ni Bea ngayong Primetime Sabado alas-10:15 ng gabi, pagkatapos ng Twist and Shout sa ABS-CBN.

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name