"Hindi po, original story daw," sagot niya. "Ayaw po ng manager ko, si Tito Arnold [Vegafria], na fantasy ang gawin ko. Ako, okey lang po sa akin kahit telefantasya. Nag-enjoy po naman ako nang gawin namin ni Geoff ang The Last Prince, although normal naman ang character ko doon. Siguro nga po, mahirap ang telefantasya dahil nasanay ako sa real world. Pero hindi po ako namimili ng project, basta may trabaho, okey sa aking lahat 'yon."
FIRST HORROR MOVIE. Pagkatapos ng first movie ni Carla na Mamarazzi, na palabas na ngayon sa mga sinehan, may sisimulan na siya ulit na pelikula. Ito ay ang Shake Rattle & Roll XII, kung saan makakasama niya sina Nash Aguas, Mart Escudero, at Sid Lucero. Si Jerrold Tarog ang magdidirek nito.
"Happy po ako kasi I'm a huge fan of horror films, and this is my first horror film," sambit ni Carla.
Magpapahinga ba muna siya pagkatapos ng taping nila ng Basahang Ginto, na tatagal pa ang airing hanggang sa September 24?
"Time po 'yon na makapaglipat na ako sa bago naming bahay," nakangiting sabi ni Carla. "Excited na nga po ako na makalipat, pero hanggang sa ngayon, hindi pa ako nakakapag-impake ng mga gamit na ililipat ko."
Ano ang sabi ng lola niya, ang aktres na si Delia Razon, sa paglipat nila ng bahay?
"Wala po siyang sinasabi sa akin, baka po kay Mommy ko [Rhea Reyes], may sinabi siya. Hindi po kami nagkakausap ng lola ko dahil sa busy schedule ko," sabi ni Carla, na gaya ng dati ay nakangiti.





ang galing galing ni dennis as andrew in endless love!
wishing also that coffee prince na lang ang next dencar project.