Humanda para sa isang riot at nakababaliw na siksikan sa Hole In The Wall dahil makikigulo sa laglagan at tawanan ang castaways ng Survivor Philippines Celebrity Showdown bukas, September 10.
Hindi na magpapaawat sa paglusot sa mga walls ang Red Team nina Diego Llorico (Team Captain), Karen delos Reyes, at Solenn Heusaff laban sa Blue Team nina Tomas Gonzales (Team Captain), Jon Hall, at Michelle Madrigal.
Makalusot kaya sila sa rumaragasang walls o mahuhulog sila sa pool? Sino ang magsu-survive sa pagitan ng dalawang grupo at mag-uuwi ng jackpot prize?
Huwag palampasin ang kapana-panabik na laglagan sa Hole In The Wall bukas, September 10, bago umere ang Langit sa Piling Mo sa GMA-7.




