Matagal nang pinag-uusapan kung kailan babalik sa U.S. hit musical-comedy TV show na Glee Season 2 ang Pinay international singing sensation na si Charice Pempengco, matapos na lumabas sa unang episode ng show. (CLICK HERE to read related story)
Heto ang balitang nasagap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa charicemania.com: babalik si Sunshine Corazon (Glee character ni Charice) sa Glee episode 6, na pinamagatang "Never Been Kissed."
Ayon pa sa report ng website, sa November 9 na ipalalabas sa U.S. TV ang episode kunsaan mapapanood muli ang Little Big Star 2005 third placer. Sa Pilipinas, mapapanood ang episode na ito sa November 10.
Kasamang babalik ni Charice sa Glee ang mga lumitaw rin sa first episode na si Coach Beiste (Dot Jones) at ang nagbakasyon lang mula sa New Directions glee club na si Puck (Mark Salling).
May ipakikilala namang mga bagong characters sa episode na ito, na gagampanan nina Darren Kriss bilang Blaine (bagong love interest ng mataray na si Kurt, played by Chris Colfer) at Cheyenne Jackson bilang vocal coach ng Vocal Adrenalin, ang karibal na glee club ng New Directions.
RACHEL, DI-PANATAG ULI? Noong unang lumabas sa first episode ng Glee Season 2 si Sunshine Corazon, naging insecure nang husto ng bida ng show at star vocalist ng New Directions na si Rachel Berry (Lea Michelle).
Pinag-usapan at naging isa sa most downloaded song mula sa iTunes store website ang "singing catfight" nina Sunshine at Rachel na "Telephone" (originally sung by Lady Gaga and Beyonce Knowles) na umabot hanggang number 2 sa iTunes Top 10 Most Downloaded Chart.
Sa first episode na iyon, gumawa ng paraan si Rachel na hindi makapasok sa New Directions si Sunshine. Hindi nagustuhan ng mga members ng glee club ang pang-iintriga ni Rachel.
Pinag-audition mismo ng adviser na si Will Schuester (Matthew Morrison) at ng buong New Directions si Sunshine. Sobrang na-impress sila at pinalakpakan si Sunshine sa pagkanta niya ng "Listen" ni Beyonce Knowles mula sa pelikulang Dreamgirls.
Pero hindi sa New Directions napunta si Sunshine. Napirata agad siya ng Vocal Adrenalin na binigyan pa ng bagong condo ang ina ni Sunshine.
Katwiran ni Sunshine nang batiin siya ni Mr. Shuester sa pagtanggap sa kanya ng New Directions, "Rachel will just make my life a living hell."
At sumama siya sa bagong coach ng Vocal Adrenalin.
Sa muling paglitaw ni Sunshine sa Glee, magagambala kaya uli si Rachel?






robcscyn
November 4, 2010
12:53 PM
Stop claiming that charice is for ABS only, she belongs to the whole industry!
report this user
-----------------
But more exposure sya sa ABS!! So, I gave the credit to ABS !!! World class Kapamilya!!!!
pero sana totoo,
and according to my twitter friend, babalik nga siya via episode 6 :
Dapat tinagalog mo na lahat para di ka na nag english! DAMING MALING SPELLING!
vocal adrenalinE!
Darren Criss!
After that, wala na. wala akong nakitang guestings niya at wala din akong nakitang nag-extra man lang kahit saang show ng ABS. But it is true she came from ABS.
But the sad truth is ABS NEVER pushed Charice's career. Kundi pa may nag-download ng singing ni Charice sa You Tube forgot the guy's name, hindi siya makikita ni Ellen at Oprah. And the rest is history.
Kung meron mang tumulong talaga kay charice, yun yong nag-download ng singing niya sa YouTube hindi ABS.
wag na sanang idrag ng mga fellow kapamilya ang abscbn..yes! identified si charice as kapamilya but personally as a tru-blooded kapams eh di ko makita yung mga kapam stars sa pagsupport nila kay charice...very evident yun nung dff concert sa araneta...i really thought that names like boy a, kris a, bosses of channel 2 will attend pero never mo silang nakita...ni tweets ng mga stars kuno ng channel 2 wa ako nabasa...
sensya na mga kapams, bitter mode ako! naappreciate ko tlga ang gma 7 mafifeel mo yung paghanga nila at suporta..di tulad ng martin nievera na no need na daw ang yt sensations sa asap...hala ka!!!!!
report this user
---
C'mon GMA don't even said about Charice b4.. Only ABS did !! Charice never existed in GMA gossips!! The truth hurts!! You I---t!!