UPDATE: Ayon sa ulat ng PEP Alerts ngayong gabi, December 9, si Bowie Lam ng Hong Kong ang nanalo sa Best Drama Actor category ng 15th Asian TV Awards. Kinilala si Lam para sa kanyang performance sa Sister of Pearl.
Isa sa mga tinalo ni Lam sa naturang kategorya ang Filipino actor na si Dingdong Dantes. Na-nominate ang Kapuso actor para sa pagganap niya sa Stairway To Heaven.
Dumalo si Dingdong sa awards night ng Asian TV Awards na ginanap sa Pan Pacific Hotel ng Singapore.
Naging presenter ang aktor para sa mga awards na Best Lifestyle Programme, Best Talk Show, at Best Single Drama/Telemovie Programme.
Bukod kay Dingdong, dumalo rin sa awards night sina Jiggy Manicad at Richard Gutierrez, na siyang representative ng Planet Philippines, ang Kapuso show niya na nominated para sa Best Natural History or Wildlife Program or Docu-Drama.
Si Rufa Mae Quinto naman ang nag-represent sa Bubble Gang, na nominated sa Best Comedy program category.
Narito ang orihinal na artikulo:
Sa December 9 gaganapin ang awards night ng 15th Asian Television Awards (ATA) sa Pan Pacific Hotel sa Singapore.
Dadalo rito si Dingdong Dantes, na isa sa mga nominado sa kategoryang Best Drama Actor para sa kanyang pagganap sa GMA-7 primetime series na Stairway to Heaven.
Ang isa pang Pinoy na nominado ay si Michael V, bilang Best Comedy Actor para sa Pepito Manaloto ng GMA-7. Samantala, apat pang programa ng Kapuso network ang nominado sa iba't ibang kategorya.
Kung walang magiging aberya, bukas ng umaga ang lipad ni Dingdong at ng kanyang manager na si Perry Lansigan papuntang Singapore.
Ayon kay Dingdong, ang kanyang pagdalo sa awards night ng ATA ay bilang respeto sa pagkilalang ginawa sa kanya.
"Win or lose, may respeto ako at nire-recognize ko yung nominasyon na ginawa nila sa akin. And it's also a privilege na maimbitahan sa mga rare occasion like that.
"Parang I want to take pride in this opportunity dahil minsan ko lang din i-represent ang ating bansa.
"Manalo-matalo, proud ako sa nagawa ko. Mas malaking bonus lang talaga na manalo," saad niya nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Christmas party ng PPL Entertainment para sa press last week.
VALIDATION AS AN ACTOR. Ito ang ikalawang pagkilala na natanggap ni Dingdong para sa pagganap niya sa Stairway to Heaven. Last month ay itinanghal din siyang Best Drama Actor sa Star Awards for TV.
"At least, parang papaano, na-validate yung hard work," sabi ni Dingdong.






So congratulations, Dingdong.
Hi Manangdi, my besfren lols
lordamstel
December 10, 2010
18:03 PM Akala ko si DOng ang mananalo dahil isa sa Judges si Gozon sa ASian..pero ok na rin yang nanominate
let me call on you lordamstel kahapon ka pa sa mga article na hindi naman kasali yang pinagsisiksikan mo, before you further embarras your favorite star, your family and yourself, give it up! bakit palaboy laboy ka dito? go in the corner and color because your comments are nonsense!
Nanloloko ka ba or sadyang wala kang alam? Nanominate ba si Iza Calzado sa Emyy's international? Hala sige managinip ka...Hanapin mo Nga sa webtsite ng Emmy's kong andon ba pangalan ni Iza...lol
Yung pagkanominate ni Iza katulad lang yun sa Ploning ni Judy Ann...Nakasali lang si Iza sa semi-final judging pero officially nominated HINDI..lol wag mong lokohin sarili mo...mgakapuso kasi kahit semi final pinangalandakan na nominated na ...lol....
What I'm trying to say is being nominated out of thousand of actors in all asia is a pride itself. Nominations are being scrutized. Just becoming part of it is an achievement.
-yes, i have heard about the Emmy's International. I'm not ignorant, and Iza Calzado was nominated as best actress in Joaquin Bordado ahead of any kapams!
And if you are bragging about Angel's nomination, well, sa kapuso pa rin sya nagsimula na pinirata ng kapams. While sid is not a homegrown talent.
So nasaaan ang homegrown talents nyo na nominated sa Emmy's?
Nagpadala raw ng pakikiramay letter ang Star Magic para kay Ding Dong sa pagkatalo nito?
i love dong yan.
Asian TV Best Drama Actor nominee at PMPC Best Drama Actor winner!!!
I like hist style in Stairway to heaven, tama lang ang iyak at drama niya hindi over-acting!!!!
Way to go Dong!!!
More power s s iyo!!!
Blesses s career at blessed p s love life with Yan!!!
True ka, ung mga bitter dito puro nonsense.... bigyan natin ng singko pangbili ng kausap!
kala mo lang un! he he he he move on.....bitter losers!
he he he.... move on.... grow up!.....may bf na si karylle don't blame DDD.... you don't the story behind teh breakup so will you just pls shut up and move on!
Magbag ka na sa pagka bitter mo sa buhay.... masyado ka lang apektado ng popularity at galing ni Marian.... kaya kung ako ikaw magdasal ka na lang na manalo ka sa lotto para magka pera ka at di ka maging bitter in life.