guide

Angel Aquino bares her feelings about daughter's disapproval of relationship with Lui Villaruz
posted on January 5, 2011  STATS: 26966 Views | 2 Comments
Angel Aquino's daughter Iana reveals her disapproval of her mother's relationship with Lui Villaruz. Find out Angel's reaction to this revelation on the January 8 episode of The Bottomline with Boy Abunda. Photo By: Noel Orsal


PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


"Unang pasabog ng The Bottomline with Boy Abunda ngayong 2011, TV Host Actress Angel Aquino, may mga pakakawalang rebelasyon tungkol sa kanyang buhay sa kauna-unahang pagkakataon!


"Babalikan nina Boy at Angel ang kuwento ng kanyang buhay, lalo na nung nagsisimula pa lamang ito bilang artista. Pag-uusapan din ang paghihirap ng kaniyang ina para mapalaki silang magkakapatid, ang pagkakaroon niya ng anak sa murang edad, ang kanilang pagiging "other family" at ang pagsisikap niyang makatapos ng pag-aaral.
       

"Paano nga ba nadiscover si Angel Aquino? Ano ang maituturing niyang biggest break sa showbiz?
       

"Mula sa kuwentong pamilya, tatakbo ang usapan sa kanyang karera sa showbiz. Tatalakayin ni Boy ang mga pinagdaanan ni Angel para marating ang kanyang estado ngayon bilang isa sa mga pinakamagandang mukha ng showbiz. At ang matinding pasabog ni Angel, ang pagkaka-involve niya sa isang powerful na personalidad. Isang karanasan na ikukuwento ni Angel ng buong puso, buong tapang at buong katapatan.
       

"Makikipag-balitaktakan rin si Boy sa anak ni Angel na si Iana na kasama sa mga Bottomliners. Very vocal si Iana sa pagsasabing hindi siya boto sa relasyong Angel Aquino at ng boyfriend nitong si Lui Villaruz. Matapang din itong hinarap ni Angel at sinagot punto per punto.
       

"Mainit, matapang at malalim na talakayan na naman ang inyong masasaksihan ngayong Sabado, January 8, sa  The Bottomline with Boy Abunda pagkatapos ng primetime telecast ng Banana Split sa ABS-CBN."

Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.  

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

2 Comments

  • alibangbang

    01/05/2011 | 11:08 PM
    i love angel after watching magkaribal
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chie77

    01/05/2011 | 09:54 PM
    excited na ako mapanood to sa sabado!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About